Chapter 40

211 7 0
                                    

Tulala at para bang wala sa sarili akong nakatingin sa mga taong palakad-lakad sa loob ng opisina ni Hendrix. Para ayaw kong gumalawa sa aking kinauupuan at tinatamad din akong masalita. Hindi ko alam kung bakit ako naging ganito.

Siguro simula nung nalaman kong ang batang lalaking laging nasa panaginip ko at ang lalaking mahal ko ay iisa lang. Para akong mababaliw sa kakaisip at para bang ayaw na gumana ng aking utak.

Ata isa' pa hindi mawala sa aking isipan at hindi man lang pumasok sa aking isip na baka nga lola ni Hendrix ang matandang babaeng lagi kong nakikita sa aking panaginip at sa aking nawalang alaala ng nakaraan.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba kay Hendrix ang lahat. Nakakatakot akong malaman nya ang nangyari sa kanyang mahal na lola. Alam kong mahal na mahal nya ang kanyang lola dahil na rin sa kanyang mga sinasabi sakin noon. Nagdadalawang-isip ko at sumasabay pa ang aking takot na baka magalit sya. Bakit ko pa tinatanong yun, alam ko namang magagalit sya sakin. Sino ba namang hindi diba? Pinatay ko lang naman ang kanyang minamahal na lola.

Ilang araw na ba akong tulala at walang ginagawa sa buhay? Hindi ko na mabilang kung ilang minuto akong tulala at titig sa isang tabi. Maraming gumuguli sa isip ko simula nung nalaman kong ang totoong pagkataon ng matandang babae sa aking pananginip.

Hindi ko na alam kung anong dapat kung gawain sobrang natatakot talaga ako kung sasabihin ko ba kay Hendrix na ako ang pumatay sa kanyang lola. Hindi ko na talaga alam. Isang linggo na pala ang nakalipas simula nung makita ko ang malaking family picture na yun at nalaman ko rin kung sino-sino ang nasa pananginip ko.

Wala akong pinagsabihan o hindi ko man lang pinaalam sa aking mga magulang ang nangyari nung araw na yun. Tanging sarili ko lang ang nakaka-alam. At isa' pa malaking krimen ang ginagawa ko noon. Kasalanan ko kung bakit namatay si Donya Daniela. Nasasaktan ako hindi dahil sa ano mang mangyayari kundi para kay Hendrix. Malaking epekto sa kanya kung sasabihin kong pinatay ko ang kanyang lola.

Alam kong mahal na mahal ni Hendrix anv kanyang lola, hindi ko talaga alam kung paano at kailan ko sasabihin sa kanya ang totoo. Nababaliw na ako kakaisip kong paano. Wala sa sariling napasabunot ako sa aking buhok at mabilis ito ginulo. Hindi ko alam kung nagmukha akong sira o hindi, wala na akong pakialam sa paligid ko gulong-gulo na ako.

Iniyuko ko na lang ang aking ulo at nag-isip naman. Sa totoo lang napapagod na akong mag-isip ko paano ko sasabihin sa kanya, hindi ko alam kung paano ko ikukuwento ang lahat. Hindi ko alan kung ilang segundo o minuto ata akong nasa ganung posisyon ng biglang nay humawak sa aking balikat.

Naramdaman ko ang kanyang kamay na humawak sa aking balikat habang nakayuko ang aking ulo at nakapikit ang aking mga mata. Hindi ako gumalaw sa aking posisyon tanging nakayuko lang ako. Hindi ko rin pinansin ang taong humawak sa aking balikat, wala akong panahon para makipag-ayaw o kung ano man.

"Baby....." I heard him call me using his deep voice.

Hindi ko pa rin sya pinansin at nakayuko lang ako, hindi ko alam kung anong mukha ang ihaharapa ko sa kanya sa tuwing nakikita ko sya para bang umaatras ang dila ko para sabihin ang kanya ang totoo. Dahan-dahan kong itiningala ang aking ulo para makita sya.

Agad naman akong sinalubong ng kanyang mapusyaw na asul na mga mata. Habang nakatingin ang sa kanyang mga mata ay para bang gusto kong magsalita't ibuka ang aking bibig para sabihin sa kanyang ang mga inisip ko. Pero paano ko yun gagawin kung nauna ang aking pagdadalawang-isip at natakot na baka magalit sya sakin.

Mabilis akong ngumiti sa kanya, yung totoo kong ngiti na para bang wala akong iniisip na bagay at kinakabahan sa susunod na mangyayari. Agad naman nya akong ginantihan ng malawak na ngiti sa kanyang mapupulang labi. Wala akong sinayag na oras at mabilis ako tumayo mula sa aking kinauupuan sa gilid ng kanyang pintuan ng opisina.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon