Chapter 44

187 8 0
                                    

"Are you sure you want to cut your hair?" Rinig kong tanong tanong ni Manang Vilma sa aking tabi at nakatingin sakin sa salamin.

Tumango lang ako sa kanya at bumalik ang tingin ko sa aking sarili sa salamin. Nakatitig lang ako dun habang ginugupitan ng isang babae ang aking mahabang buhok. Walang reaksyon lang akong nakatingin sa salamin habang pinapanood syang gupitan ako ng buhok.

Gusto kong magsimula ng bagong buhay, yung walang sakit, walang pagdudusa sa buhay ko. Gusto kong bumalik sa naging dati kong buhay. Hindi ko na sana tinanggap pa ang trabahong yun, sana hindi na lang ako pumayag na maging bodyguard nya. Sana hindi na lang kami nakita.

Hindi naman nagtagal ang kanyang pag-gupit nya sa aking buhok. At agad naman kaming natapos, hindi ako makapagsalita dahil sa naging resulta ng aking itsura ngayon kaysa nung nasa kulungan pa lang ako. Hindi ako nagsalita at mabilis ako tumayo mula sa aking pagkakaupo, mabilis kong nilapitan si Manang Vilma na tulala lang nakatingin sakin.

"Let's go, Manang." I seriously saod to her.

Una na akong lumabas ng aking dating kwarto dito sa mansyon. Hindi naman ako magtagala dito sa mansyon dahil kailangan kong bumalik sa pilipinas. Dahil gaya ng sinabi ang aking pinsan na hinihintay na nila akong lahat, hindi dapat ako magsayang ng oras. Nakababa na ako ng malaking hagdanan at pumunta sa kusina para makita ang aking dalawang pinsan.

Hindi naman nagtagal ay mabilis akong nakarating sa kusina kung saan agad kong nakita ang aking dalawang pinsan na abala sa kanilang pagkain na para bang mauubusan nilang dalawa. Si Rick ang unang nakapansin sakin, hindi ko alam kung anong naging itsura nya pagkatapos nya akong makita. Para syang nakakita ng multo, gulat na gulat ang kanyang singkit na mga matang nakatingin sakin.

Hindi ko sya pinansin at diretso akong pumasok sa loob ng kusina at mabilis na pumunta sa coffee maker para gumagawa ng kape para sakin. Ramdam na ramdam ko ang titig nilang dalawa sa aking likod, pero hindi ko na lang sila pinansin. Ilang segunod lang ata ang hinintay ko para matapos ang aking kape. Mabilis naman akong kumuha ng upuan at agad na umupo sa tabi ni Kae habang kaharap ko naman si Rick na tulalang nakatitig sakin.

Tinaasan ko lang sya ng kilay at humigop ng kape sa hawak kong tasa. Walang nagsalita sa aming tatlo, tahimik lang silang kumakain habang ako naman ay tahimik na humihugop ng aking kape. Alam kong marami silang gutsong itanong sakin, kung bakit pinagupitan ko ang aking mahabang buhok. Kilang-kila ko na silang dalawa ni Kae, simula pagkabata.

Ilang minuto o segundo lang ata ang nakalipas at hindi na mapakali ang aking harap at kating-kating magtanong sakin. Napapansin ko naman yun, kung paano sila pasimpleng tumatango sa isa't isa na para mga baliw.

"Perché ti sei tagliato i capelli?" (Why did you cut your hair?) Rinig kong tanong ng pinsan kong si Kae.

"Perché no." (Why not) Simple kong sagot sa kanyang tanong.

"Il cambiamento è l'opzione migliore per dimenticare." (Change is the best option to forget.) Dagdag ko pang sabi sa kanya at mabilis na ibinababa ang hawak kong tasa ng kape.

"Andiamo." (Let's go.) Biglang sabi ni Kae sa aking tabi at mabilis na tumayo at tinignan ang kanyang kakambal.

Hindi ko na silang dalawa hinintay at mabilis akong lumabas ng kusina, alam ko namang nakasunod silang dalawa sakin kaya wala na akong ikakabahala pa. Agad ko namang nakasalubong si Manang Vilma na galing sa ikalawanag palapag ng mansyon. Mabilis ko naman syang binigyan ng matamis kong ngiti, ngiti din naman sya pabalik.

"Handa na ang sasakyan, Iha." Nakangiti nyang sabi sakin.

"Thank you, Manang Vilma." Pagkatapos kong magpasalamat sa kanya ay mabilis akong lumabas para makasakay sa sasakyan at dun ko na lang hintayin ang dalawa kong pinsan.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon