Chapter 47

228 7 0
                                    

Pagkatapos ng paguusap naming dalawa ni Don Alfred ay napagdesisyuan kong pumunta muna sa bar kinagabihan nung araw na yun. Ang bar kong saan madalas akong pumupunta kapag gusto kong magpakalasing. Gusto ko mawala sa isip ko ang nagpagusapan naming dalawa ni Don Alfred, kahit ngayong araw lang.

Taas noon akong naglakad papasok sa loob ng bar, kung saan walang nakakakilala sakin at walang magsasabi kung ano ang dapat kong gawin. Wala akong sama ngayon, sinabihan ko lang si Red nasa bar lang ako pupunta at hindi na nya ako kailangang samahan pa. At isa' pa hindi na ako bata para bantayan pa.

Gusto kong mapag-isa muna ngayon, ako lang at ang sarili ko. Gusto kong magpakalasing hanggang sa hindi ko na alam ang gagawin ko, kung magwala man ako dito sa loob wala na akong pakialam pa. Masyado na akong nasasaktan, akala ko nakalimutan ko na ang lahat pero bakit masakit pa rin, akala ko kaya ko na pero hindi pa pala.

Dahan-dahan akong naglakad papasok sa loob, ilang taon na rin ang nakalipas simula nung huling punta ko sa ganitong klaseng lugar. Wala akong balak na bumalik sa headquarters ngayong gabi, ayaw ko silang makitang lahat. Gusto ko ng peace of mind kahit ngayong araw lang, matahimik naman ang buhay ko.

Papasok pa nga lang ako sa loob ng bar ng makita ko ang isang babaeng nakaupo sa isang malaking lamesa sa hindi kalayuan, kasama ang tatlong lalaki at tanging sya lang mag-isa ang babae dun sa grupong yun.

Nanlalaking mata akong nakatingin sa kanilang lahat, hindi ko inaasahan na makikita ko silang lahat dito. At isa' pa anong ginagawa ni Averie dito? At bakit kasama nya sila Attorney. Arceo, Mayor. Ramirez, at si Mr. Flight attendant?

Nanlalaki pa rin ang aking mga mata habang nakatingin sa kanilang lahat, masaya silang nagiinoman habang si Averie naman ay nakadikit lang kay Attorney. Nakalikod si Averie at si Attorney kaya hindi nila ako nakikita ngayon. Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan ng biglang may tumawag sa pangalan ko sanhi para hindi ko maihakbang ang aking mga paa.

"Caitríona!" A man shouts my name like we're friends.

Napasapo ako sa aking noon dahil sobrang malas ko talaga, bakit ba ganun ang tadhana sakin. Gusto ko lang namang magpakalasing ng ako lang mag-isa pero bakit nandito din silang lahat. Nakatayo lang ako at nakatingin sa kanilang lahat, nakatingin lang din silang lahat sakin. Kitang-kita kong paano manlaki ang mga mata ni Averie habang nakatingin sya sakin.

Akala ko titigan nya lang ako magdamag pero mas lalong nagulat ako ng bigla syang tumayo sa kanyang kinauupuan at tumakbo papalapit sakin. Habang nakatayo lang ako at nakatingin sa kanya habang tumakbo sya papalakit sa aking kinatatayuan. Nang makarating sya sa aking harapan ay mabilis nyang inangat ang kanyang isang kamay, akala ko sasampalin nya ako dahil sa biglang pagkawala ko pero nagkamali ako.

Dahil ang isang nyang kamay ay mabilis akong hinila at niyakap ng mahigpit. Mabilis ko naman syang niyakap pabalik, namiss ko ang babeng ito sa totoo lang. Si Averie, ang babaeng laging minamaltrato ng kanyang asawa, ang babaeng nagiging tanga dahil sa walang kuwenta nyang asawa. Ang maingay at malakas na musika lang at patay sindi na ilaw lang ang aking nakikita't naririnig dito sa loob ng bar.

Ilang minuto lang ata kaming nasa ganung posisyon ng bigla syang bimitaw ng yakap sakin at hinarap ako ng may pag-aalala sa kanyang mga mata at para bang gusto nyang maiyak. Mabilis naman nyang pinunasan ang kanyang tumulong luha sa kanyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit sya umiiyak, dahil lang nakita nya ako ulit?

Nakangiti lang ako sa kanya, namiss ko talaga ang tanga kong kaibigan. Hindi ko alam kong bakit sya umiiyak ngayon, hindi naman ako mamatay diba? Hindi ko pa naman katapusan, kung makaiyak naman ang babaeng ito parang mamatay na ako kahit anong oras.

"I miss you, Averie tanga." Natatawa kong sabi sa kanya. Mabilis naman nya akong sinuntok sa aking braso, kung hindi ko lang sya kaibigan baka nasapak ko na sya ngayon.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now