Chapter 18

321 8 0
                                    

"Tumigil ka, Marites. Ayokong mawalan ng trabaho." Bulong din pabalik ni Oliver sabay tingin samin ni Hendrix sa rear view mirror.

"Hindi Marites ang pangalan ko, for your information." Inis na bulong din ng secretary ni Hendrix. Mukhang nagtatalo na silang dalawa sa unahan.

Hindi ako nagsalita't nakikinig lang ako sa kanilang pagtatalo, ewan ko ba hindi ko maiwasang matawa sa usapan nila. Binalingan ko naman si Hnedrix ng tingin na mahimbing na natutulog sa aking balikat at nasa hita ko pa rin ang kanyang isang kamay. Buti na lang ay hindi sya nagising sa ingay ng dalawa sa unahan, baka magwala pa sya dito sa sasakyan.

"Shhh... Marites, wag kang maingay baka magising si Sir." Pagsaway ni Oliver the driver kay Miss Santos the secretary.

"Hindi yan ang sarap kaya ng tulog nya sa balikat ni Ma'am." Rinig kong bulong din ng secretary ni Hendrix kay Oliver the driver.

"Can you two please be quiet for a moment?" Biglang nagsalita si Hendrix na kinagulat ng dalawa sa unahan. Ayan ginising kasi yung dragon.

"Sorry po, Sir." Mahina at magkasabay pa nilang sabi na dalawa kay Hendrix na hanggang ngayon ay masama silang tinignan at nagsikuhan pa na para bang nagsisihan silang dalawa.

Tahimik lang akong nakikinig at bumalik sa pagtingin pa rin ako sa labas ng bintana ng sasakyan. Naramdaman kong may brasong pumulupot sa aking bewang at mas lalo pang lumapit ng upo sa aking tabi. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong maramdaman ngayon.

Ilang oras ang nakalipas na nasa ganoon lang kaming posisyon na dalawa, nakakabinging katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan pati ang dalawang maingay kanina ay biglang tumahimik na para bang may dumadaang anghel sa loob ng sasakyan.

"Sir, andito na po tayo sa restaurant." Rinig kong sabi ni Oliver the driver sabay tingin saming dalawa ni Hendrix sa rear view mirror.

Pero si Hendrix ay parang walang narinig dahil hanggang ngayon ay nakasandal pa rin sya sa aking balikat at nakapikit ang mga mata at mahimbing pa rin na natutulog.

Binalingan ko ng tingin ang dalawa sa unahan, naabutan ko silang nakatingin din sakin na para bang naghihingi ng tulong para gisingin ang kanila boss. Bumuntong hininga muna ako bago ko dahan-dahang kinakalas ang pagkakapit ng braso ni Hendrix sa aking bewang.

Pero tinabing nya lang ang aking kamay at mas lalo pa nyang hinigpitan ang kapit sa aking bewang na para bang ano mang oras ay mawawala ako.

"Sir, Hendrix. Were here." Mahina kong sabi sa kanya sabay kalabit ng kanyang kabilang balikat, pero ganun pa rin. Hindi pa rin sya nabitaw ng kapit sa aking bewang.

"Baby, were here. Wake up." Malambing kong sabi sa kanya sabay himas ng kanya hita.

Akala ko hindi pa rin sya gigising, magsasalita pa sana ako ng bigla syang bumangon mula sa aking balikat. Gulat nya akong tinignan sa mga mata, hindi ko alam kung saan sya nagulat kung sa paghawak ko ba sa hita nya o baka naman sa pagtawag ko sa kanyang ng baby?

"Bilis naman gumising ni Sir, para si flash lang." Bulong nanaman ng secretary ni Hendrix kay Oliver na naiinis na ata sa kadaldalan ng kanyang katabi. Chismosa talaga parang si Marites.

"Baby lang pala katapat ni Sir." Bulong din pabalik ni Oliver sa kanyang katabing si Marites. "Sana baby din tawag mo sakin, Marites." Dagdag pang sabi ni Oliver habang nakatingin pa rin sa aming dalawa ni Hendrix.

"Yak, Oliver kadiri---"

"You call me baby!" Biglang sigaw ni Hendrix sa loob ng sasakyan. Nawala tuloy ang atensyon ko sa dalawang nasa unahan, dahil sa pagsigaw ni Hendrix nun.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now