Chapter 48

245 9 0
                                    

"I accept it, Mr. & Mrs. Lane." Pilit kong ngiting sabi sa kanyang dalawa.

Magkasabay na singhap at mura ang aking narinig pagkatapos kong sabihin yun sa mga magulang ni Darius. Iba't ibang klaseng mura galing sa aking mga pinasan at kapatid at singhap naman galing sa aking mga magulang.

Sino bang hindi magugulat kung tatanggapi ko ang alok nyang magpakasal kahit na ilang beses kong tinaggihan ang kanilang alok ng paulit-ulit. Tapos ngayon magbabago ang isip ko na parang wala lang, diba nakakagulat talaga.

Gulat matang tumingin sakin ang lahat maliban sa mga magulang ni Darius na nakangiting nakatingin sakin. Alam ko namang magiging ganyan ang reaksyon nyang lahat. Alam rin nilang kapag nakapagdesisyon na ako ay hindi nabagagao pa yun. Kaya siguro mas pinili nilang wag magsalita na lang at tumahimik na lang.

Napatingin naman ako kay Darius na nakatitig lang sakin, hindi ko alam kung kanina pa ba nya ako tinititigan. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa kanyang isipan, dahil walang reaksyon lang syang nakatingin sakin na para bang hindi sya masaya sa mga naging desisyon ko. At isa' pa matagal na nyang gusto ang pakasalan ko sya diba? Bakit parang ayaw na ata nya ngayon.

Nang tignan ko ang aking mga magulang sa aking tabi ay nakatingin sila sakin na may pag-aalala sa kanilang mga mata, pag-alalang hindi ko alam kung para saan. Nag-aalala dahil sa biglang pagpayag ko o nag-aalala sila dahil pinipilit ko lang ang aking sariling makalimutan ang lahat. Mabilis akong pilit na ngiti sa kanilang dalawa ni Mommy, alam kong hindi sila maniniwala sa ngiting kong yun.

"We will prepare for my son and your wedding as soon as possible." Masayang-masayang sabi ng Mommy ni Darius at hindi maalis ang kanyang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

"Can we not hurry. I mean about the wedding." Nag-aalangang sabi ni Mommy sa mga magulang ni Darius.

Hindi na lang ako nakinig sa kanila at mabilis ako tumayo sa aking kinauupuan. Nang makatayo ako sa aking upaun ay napagdesisyuan na kong pumunta sa bakuran ng mansyon, para magpahangin at alisin ang mga elementong nasa isip ko ngayon. Iniwan ko silang lahat sa sala ng mansyon, ayaw ko munag makipag-usap sa kanilang lahat at magpaliwanag.

Tahimik lang ako naglakad papuntang bakuran namin sa labas, habang naglalakad ako ay hindi ko maiwasang maalala ang nangyari sa bar kani-kanina lang. Hanggang ngayon, masakit pa rin hindi pa rin mawala sa isip ko ang mga nakita ko kanina. Kung paano nya inilapit ang kanyang labi sa babaeng yun. Hanggang ngayon malapdi pa rin, hanggang kailan ba ako magiging ganito.

Hindi pa ba sapat na pinakulong nya ako? Hindi pa ba sya masayang makita akong nahihirapan, habang nasa bilangguan. Hindi pa ba nya ako napapatawad? Wala naman akong ginawa, ako ang biktima sa aming dalawa. Ako ang nakaraan ng paghihirap kumpara sa kanya, ako ang nahihirap nung mga panahong yun.

Hindi naman nagtagal ay agad akong nakarating sa bakuran ng aming mansyon. Naglakad-lakad ako at nilibot ang buong bakuran ng may makita akong lumang swing sa may puno, agad akong nakangiti ng dahil dun kaya wala akong sinayang na oras at mabilis akong lumapit sa punong yun. Nang agad akong makalapit mabilis akong sumakay sa swing kahit na hindi ko alam kung kakayain na nito ang aking bigat.

Nakaupo lang ako dun habang kinakapa ang aking bulsa para kunin ang aking kaha ng sigarilyo. Mabilis ko namang sinindihan ang aking sigarilyo ng agad ko yung makuha sa aking bulsa. Nandun lang ako sa swing habang naninigarilyo at tahimik na nakatingin sa langit at pinagmamasdan ang kalangitan at mga bituin.

Tulala lang akong nakatingin sa kalangitan habang dahan-dahang itinutulak ang aking sarili para makagalaw ang swing. Dahan-dahan ko namang inilapit ang aking isang kamay sa aking dibdib kung saan nandun ang aking puso na hanggang ay kimikirot pa rin. Madilim, madilim ang buong paligid ng bakuran tanging liwanag lang ng buwan ang nagsisilbing ilaw ko.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now