Chapter 5

487 17 0
                                    

"Get her out of here." sabi ko sa guard na tulala pa rin hanggang ngayon pati na rin yung secretary at empleyado ni Hendrix.

Okay, I got their fucking attention.

"What's happening here" sabi ni Hendrix nakakalabas palang ng opisina nya. Sabay tingin sakin at sa hawak kong kutsliyo.

Great!

Dali daling namang lumapit kay Hendrix yung babaeng nasa sahig kanina, kumapit ito sa isang braso nya at siniksik yung mukha sa dibdib nya. Blangko ang aking mukhang nakatingin sa kanya at yung isa ko namang kamay ay pinaglalaruan't pinaikot -ikot sa aking kamay. Gusto kong masuka sa mga nakikita ko ngayon, hanggang ngayon nanonood pa rin samin ang mga empleyado at secretary ni Hendrix pati na rin si manong guard ay nakamasid at naghihintay ng susunod na magyayari, para bang nasa isang palabas kami at silang dalawa yung bida at ako naman yung kontra-bidang nakahadlang sa pagmamahalan nila.

Yak!

"What's happening here!" Pasigaw nyang sabi ulit, walang nagsalita kahit isa at tinahimik, kaya ako na lang sumagot sa kanya para matapos na.

"Tinutukan ko lang naman sya sa mata ng kutsilyo." Walang gana kong sagot sa kanya. Napatingin naman nito sakin at nanlalaki ang mga mata. Ano bang nakakagulat doon.

"You what?" Pasigaw naman nyang tanong, napatakip na lang ako sa aking tenga dahil sa sobrang lakas ng boses nito.

"Narinig mo naman diba, ulit- ulit lang unli ka!" Sigaw ko rin sa kanya, wala na akong pakialam kung boss ko sya dito. Kung makasigaw akala mo nasa isang malayong bundok kami, makaharap lang naman kami. Nakakapang-init ng ulo dito, jusko!

Pinagikot- ikot ko pa rin ang kutsilyo sa aking mga kamay ng biglang tumunog ang aking cellphone sa bulsa, kahit na badtrip ako sinagot ko pa rin yung tawag. Si Renz lang pala isa sa mga tauhan ko sa warehouse.

"Yes?" Tanong ko sa kabilang linya sabay tingin kay Hendrix na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita, napipe na ata.

"Ma'am Caitriona, nasa warehouse na po si Mr. Reyes." Bungad sakin ni Renz, sa kabila ng pagkabadtrip ko, nakuha ko pa ring ngumiti dahil sa magandang balita natanggap ko sa tauhan ko.

"I'll be there in a minute." Nakangiti kong sabi sa kabilang linya, mabilis ko namang tinago ang aking kutsliyo at humarap kay Hendrix. Patalikod na sana ako ng magsalita sya, buti naman nagsalita pa nito akala ko mapapainis ang laway nya.

"Where are you going?." Tanong sakin ni Hendrix, hindi ko sya sinagot at diresto lang ang lakad. Ngunit pahakbang na sana ako ng may pumigil sa aking braso, sobrang higpit ng hawak nya na para bang gusto nyang dudurongin ang buto ko sa braso.

Masama kong tingnan si Hendrix dahil hawak nya ang isa kong braso. Oh asan na yung babaeng nakayakap sa kanya at bakit ako ang ginugulo nito, aalis lang naman ako para hindi na ako makahadlang sa pagiibigan nila.

"Bitaw." Mahina kong sabi sa kanya, pero si mokong hindi man lang ako pinansin bagkus mas hinigpitan nya pa ang hawak, sa sobrang higpit nasasaktan na ako sigurado akong magiiwan ng marka ang kamay nya sa braso ko.

"No, magusap muna tayo." Madilim ang mukhang sabi nya sakin, kung tungkol yun sa babae nyang tinutukan ko ng kutsliyo, pwede naman sigurong next time na lang kami magusap.

"Pwede bang next time na lang, may pupuntahan kasi ako." Pakiusap ko sa kanya, pero ganoon pa rin mas lalo naman nyang hinigpitan ang hawak, sobrang nasasaktan na talaga ako. Hindi ko na hinintay pa ang mga sasabihin nya ng hawakan ng kabila kong kamay yung kamay nyang nakahawak sa braso ko, walang pasabi kong inikot ang braso nya papuntang likod at hinawakan ang kanyang batok sabay payuko sa kanya at sinipa ang kanyang dalawang tuhod para mapadapa sya sa sahig.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon