Chapter 9

444 16 1
                                    

Mas magandang wala alam si Hendrix, para kahit papaano ay hindi nya kamuhian ang sarili nitong pamilya at pati na rin ako.

"I think, only Don Alfred has the right to tell you everything." Biglang sabi ni Renz, pagkatapos ng ilang minutong katahimikan sa loob ng opisina. Hanggang ngayon nakatayo pa rin kami ni Renz sa kanyang harapaan, habang sya naman ay tulalang nakatingin samin at parang naguguluhan sa mga pinagsasabi ni Renz sa kanya kanina. Hindi pa rin ako umiimik dito at nanatiling nakikinig pa rin sa usapan nilang dalawa, nakita ko namang tinaggal ni Hendrix ang kanyang relo at ipinalit dito ang tracking device watch, pagkaraan ng ilang secondo lang ay biglang tumunog ang aking cellphone.

"It will only be active when you wear it and when you are in danger Caitríona will receive three rings. Halimbawa na lang nito." Pagkasabi ni Renz noon ay biglang itong naglabas ng baril at itinutok sa ulo ni Hendrix, kalmado lang akong nanonood sa kanilang dalawa, tumunog naman ng tatlong beses ang cellphone ko.

"Pwede bang umaalis muna ako ngayon? Nagising na kasi si Averie, pupuntahan ko lang sana sa hospital. Is it okay with you, Mr. Anderson." Paalam ko sa kanya habang nagpapaliwanang pa rin si Renz sa aking tabi. "Si Renz muna ang bahala sayo." Dagdag ko pa sabay tingin kay Renz na parang bang nauusap kami gamit lang ang aming mga mata.

Tumango lang si Hendrix sa mga sinasabi ko, hindi na ako nag aksaya pa ng oras at mabilis na akong umaalis at sumakay ng aking sasakyan papuntang hospital ni Averie mabilis kong pinatakbo ang aking sasakyan dahil sigurado akong kanina pa ako hinihintay ni Poala. Andoon na kaya silang lahat? Malamang, ako lang ata ang late ngayon. Pagkarating ko sa hospital ay agad agad akong bumaba ng aking sasakyan at sumakay ng elevator papaunta sa floor ng kawarto ni Averie ng makarating ako sa tapat na pinto ni Averie ay walang pasabi kong binuksan ang pintuan at naabutan ko silang apat nagiiyakan at nagyayakapan na para bang may namatayan sa kanila.

Okay, mamatay na ba si Averie? Bakit ganyan sila kung makaiyak?

"What's happening, why are you guys crying?." Nagtataka kong tanong sa kanilang apat habang nagyayakapan pa rin at hindi bumibitaw sa isa't isa, napatingin naman ako kay Poala nasa may sofa at pinapanonood silang apat. Pupunta ako sa kinaroroonan nya at umupo sa tabi nya habang nakatingin din sa kanilang apat na hanggang ngayon ay hindi pa rin naghihiwalay bagkus ay mas lalo pa silang umiiyak na parang mga batang inagawan ng candy sa daan.

"Ilang days na lang itatagal nya?." Mahina kong tanong kay Poala habang nakacross leg at nakasandal sa sofa na nakatingin pa rin sa kanilang apat.

"Isang araw na lang itatagal nya." Pakikisabay na sabi sakin ni Poala at seryosong tumingin sakin. Alam kong biro nya lang yun pero kapag si Poala ang nasabi, teana parang totoo hindi ko alam kung dahil ba sa pagiging doctor nya or dahil sa personality nya lang.

Nakatitigan kami ni Poala saglit ilang secondo kaming nagtitigan, bago sabay kaming tumawa ng malakas tanging pagtawa lang namin ni Poala ang naririning sa buong kwarto, hawak ko pa ang aking tiyan habang tumatawa ng malakas, nakita ko pang napatingin sa amin ni Poala yung apat, nagtataka nila kaming tinignan na para bang nababaliw na kami dito sa loob ng kwarto. Tumawa pa kami ni Poala ng malakas dahil sa kalokohang ginawa namin.

"Alam niyo ang tahimik nilang dalawa palagi tapos kapag tatawa sila parang kukunin ako bigla ni kamatayan." Narining kong sabi ni Bella habang nakatingin samin ni Poala, ilang beses pa ako tumawa ng tumawa hanggang sa napagod na ako at tumigil na, seryoso akong tumingin kay Averie.

"Anong pakiramdam mo, Averie." Pagiiba ko ng usapan at seryosong tinignan si Averie na punas punas pa ang mga luha nito sa kanyang pisngi.

"Magfifile ako ng annulment paper." Biglang sabi ni Averie pagkatapos nitong punasan ang sariling mga luha, parang gusto kong magpaparty dito sa hospital dahil sa sinasabi nyang yun. Sa wakas nagising na rin si Averie sa kanyang mala fairy tale nyang love story, hindi ko talaga sya maintindihan pwede naman nyang iwan kaagad ang asawa nya pero mas pinili pa nyang manatili doon at pahirapan ang sarili kung pwede naman syang umaalis na lang. Siguro ganoon lang talaga pag mahal mo, handa kang magtiis sa ugali nya kahit gaano pa yun kasama.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now