Chapter 7

467 15 1
                                    

Huh? Ano daw?

Umaalis na lang ako sa rooftop at bumalik papuntang kwarto ni Averie. Hindi ko alam kung slow ba ako or manhid lang? Kasi hindi ko talaga maintindihan yung mga sinabi ni Hendrix kanina. Bubuksan ko na sana yung pintuan ng may nauna ng nagbukas nito nagkasabay pa kami ni Hendrix pumasok sa loob ng kwarto silang lahat ay napatingin samin ni Hendrix, pagtingin ko kay Jovanna nakita ko syang kinikilig na nakatingin saming dalawa ni Hendrix. Mabilis na lumapit si Poala sakin na may hawak na salamin sa kanyang isang kamay at natatawang ibinigay sakin ang salamin na pinagtataka ko naman.

"Oh, salamin ka muna." Mapang-asar nyang binigay sakin yung maliit na salamin, tamad ko yung inabot yun at tinignan ang repleksyon ko salamin. Nanlaki bigla ang aking mga mata ng makita kong may kalat kalat pa na lipstick sa labi ko, ngayon ko lang na-alalang hindi nga pala matte lipstick ang gamit ko. Narining ko pa ang mga bungisngis at mahina nilang pagtawa, asar akong napatingin kay Hendrix na tumatawa sa tabi ko.

"I already you told guys, that this hospital is not a motel." Sabi ni Jovanna habang tumatawa, mamatay ka sana sa kakatawa Jovanna. Ilang secondo pa silang tawa ng tawa dahil sa katangahan ko. I just rolled my eyes on them.

"We are going home." Simple kong sabi sa kanilang apat at hinila na si Hendrix papalabas ng kwarto. Narinig ko pang nagsalita si Bella, pero hindi ko na lang sya pinansin pa.

Hindi ko na sila pinansin pa, hila hila ko sa braso si Hendrix papalabas ng hospital at diretso pumunta ng parking area. Pagpasok ko ng kotse nakasunod lang sakin si Hendrix, pinaandar ko ang sasakyan papunta sana ng Anderson's Clotting Company dahil alam kong marami pa syang kailangang gawin sa company nya ngayon. Tahimik lang akong nagmamaneho ng kotse ko at diretso lang ang tingin sa daan at alam ko ring pinagmamasdan ako ni Hendrix simula pa kanina, ramdam na ramdam ko yung mga titig nyang nakaka distract baka biglang lang kaming mabangga or ma aksidente sa daan dahil sa kanyang nakakapanghinang mga titig.

"Can you please stop staring at me?" Hindi ko mapigilang bulyaw sa kanya. Kanina pa sya, hindi ata nakurap ang mga mata ni Hendrix.

"What, I am just watching you." Nakangiti nyang sabi sakin, nakakainis yung mga ngiti nya sa totoo lang. Gusto ko syang pagsasaksakin ng kutsilyo dito sa kotse ko.

Hindi ko na sya pinansin dahil baka mapatay lang ako kung kakausapin ko pa sya kaya mas mabuting tumahimik nalang ako. Umaayos naman nito ng pagkakaupo sa tabi at inayos ang seatbelt, kinakabahan nitong napatingin sakin na para bang ano mang oras ay maari kong bilisan ang takbo ng aming sinasakyan.

"You're beautiful, Caitríona." He said suddenly, after a few hours of silence. Nasubsob naman si Hendrix dahil sa hindi ko sinasadyang na apakan yung preno ng sasakyan dahil sa mga bambobola niyang sinabi na lagi nyang ginagamit para sa mga babae nya, buti na lang ay nakaseatbelt ito.

"Hey, what was that?" Nagtataka nito napatingin sakin dahil nga sa bigla kong pag preno, dahil hindi ko naman pwedeng sabihin sa kanya na nagulat ako sa mga sinabi nya naghanap na lang ako palusot sa kanya, bigla akong napatingin doon sa batang patawad sa kabilang kalsada may hawak ng bola.

"May bola kasing dumaan, kaya napahinto ako." Wala sa sarili kong sabi sa kanya at hindi parin naalis ang tingin sa bolang hawak ng bata, yumuko naman ako bigla dahil ngayon ko lang na mapagtanto na wala pa lang kwenta yung dahil ko.

"Sa Amaya Exclusive Village tayo." He suddenly ordered me, akala ko ba sa opisina nya kami pupunta? Okay, dahil sya ang boss sya ang masusunod.

Nag focus na lang ako sa pagmamaneho at hindi na lang sya pinansin, tumahimik naman ang paligid tanging ang paghiniga lang namin ang aking naririnig sa loob ng sasakyan, sobrang sakit sa tenga ang katahimikan sa loob ng sasakyan kaya naisipan ko na lang na magpatugtog sa cellphone ko at nilakasan yung volume ng aking cellphone para naman hindi kami kainin ng katahimikan. Basta ko lang na pinindot yun, at nagfocus ulit sa daan, nagulat ako ng biglang nagplay yung music na Dick yung title, parang gusto kong bumuka na lang yung lupa at lamunin ako dahil sa kahihiyan ko ngayon. Mabilis kong inabot ang cellphone at papalitan ko na sana yung music ng pigilan ni Hendix yung isang kong kamay at inilayo nya sa akin ang cellphone na para bang ano mang oras ay pwede ko yung sirain.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now