Chapter 23

225 9 0
                                    

Oh my god! Help! Hendrix, not now. I am trapped by his hot arms.

Hindi ako gumalaw sa aking kinatatayuan at hinayaan lang sya yakapin at halik-halikan ang aking tenga. Alam kong nasa lobby kami ngayon at maraming na ang taong nakatingin sa aming dalawa ngayon. Sino bang hindi mapapatigil? Kung makikita mo ang may-ari ng building na ito ay may kayakap na babae.

At ang kaso pa ay ang bodyguard ang kayakap ng boss mo diba. Ganun na ganun ang nagyayari dito sa main lobby ng kompanya na para bang may isang shooting ng romantic movie. Sa tingin ba sila kaya kung makawala sa lalaking ito? Well kung sa pisikalan kaya ko, pero nagtatalo ang aking utak at aking puso.

Rinig kong may nagbubulungan at yung iba naman parang tulalang nakatingin saming dalawa. Pero anong pakialam ko sa mga bulong bulong nila jan, hindi ko naman makakain yan. Hawak pa rin ang tasa ng kape ay bumitaw ako kay Hendrix at mabilis syang hinarap.

Nagtataka ko syang tinignan habang nainom pa rin sa aking kape. Nawala lang ako saglit tapos kung makayakap sakin kaya mo matagal akong nawala. At ano bang ginagawa nya dito? Akala ko ba may ginagawa nyang mga papel sa loob ng opisina nya.

Paalis na sana ako at babalik sa aking kinauupuan kanina ng bigla akong hilain ni Hendrix sa braso para mapabalik ako sa kanyang maharapan. Agad nyang kinuha sa aking kamay ang hawak kong tasa ng kape at ibinigay nya ito sa hindi ko kilalang taong dumaan lang sa aming gilid.

Nagtataka ko namang syang tinignan dahil bakit nya biglang kinuha sakin ang hawak kong kape. Hindi ko man lang naubos yung ginawa kung kape. Tinaasan ko sya ng kilay dahil nakatingin at parang ayaw na atang magsalita at nakatitig lang sya sakin.

"Delivery for Ma'am, Caitríona." Mabilis akong napatingin sa delivery boy na tumawag sa aking pangalan. At kanino naman galing yan?

Nang makalapit sa kinaroroonan ko at ni Hendrix ang isang delivery boy na dalang bouquet of roses sa kanyang kamay at sa kabila naman ay parang isang box na maliit. Kunot-noo kong tinignan si Kuyang delivery boy. Bakit naman may magbibigay sakin ng mga ganyan.

"Kayo po ba si Ma'am Caitríona." Tanong ni Kuyang delivery boy sakin.

"Yes, why?" Tanong ko rin sa kanya at napatingin sa kanyang hawak na bouquet of roses at sa maliit na box.

"May nagpapabigay po kasi nito, Ma'am." Sabi nya at inabot sakin ang kanyang dalang bouquet of roses at maliit na box.

Wala akong nagawa kundi tanggapin na lang ang kanyang inabot, kaysa naman ibalik ko sa kanya para sakin nga daw yun ang mga ito. At isa' padami ng padami ang mga chismosa dito, kung papatagalin ko pa.

"Kanino ba daw galing kuya?" Tanong ko naman ulit kay kuyang delivery boy.

"Ay hindi ko po alam, Ma'am." Napakamot sa ulo nyang sagot sakin. "May nakalagay naman po siguro jan kung kanino galing." Dagdag nya pang sabi sakin at tuluyang umaalis sa aking harapan.

Sino namang mabibigay sakin ng mga ganito? Baka si Darius naman ang nagpadala nito. Nayayamot kong tingin ang hawak kong bulaklak sa aking kamay at sa pagtingin ko ay hindi inaasahan ang isang papel na naka-ipit sa tumpok na mga bulaklak. Agad ko yung kinuha at binasa.

'Have a very nice and wonderful day, Miss Bodyguard.'

'Here's some fresh roses pick of my heart.'

From: Mr. H.Gray

Huh? Ano daw. Malakas akong tumawa dahil hindi ko talagang mapigilang tumawa ng sobrang lakas at alam ko ring lahat ng tao dito ngayon ay nakatingin na nagtataka kung bakit may baliw na basta-basta na lang tumatawa dito sa lobby.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now