Chapter 49

241 7 0
                                    

"All those years, I felt pain in my life. Pain that even I die it is still with my heart."

Mas iniyuko ko pa ang aking ulo at hindi sila tinignan. Hindi ko nakikita ang kanilang reaksyon maliban kay Poala na alam na ang buong pangyayari sa aking buhay. Hindi sila nagsalita hinayaan lang nila akong magsalita habang sila naman ay nakakanig lang sa aking masakit na nakaraan. Alam kong hindi pa rin sila naniniwala sakin.

Ayos lang yun sakin, basta ang mahalaga nasabi ko sa kanilang lahat kung anong pinagdaan ko at kung gaano kasakit ang mga mahal. Tama nga naman sila, pag nagmahal ka masasaktan at masasaktan ka kahit hindi mo pa inaasahan o kahit pa sobrang saya ng pagsasama nyong dalawa.

Bumuntong hininga ako habang pinipigilan kong maiyak at tumulo ang aking luha. Pilit ko mang magpanggap na hindi ako nasasaktan at pinipilit na maging malakas kahit naman na mahina ako. Lahat yun ginagawa ko na pero bakit ganun pa rin, masakit ang sakit-sakit. Diba dapat maging masaya na ako ngayon, dahil nalalapit na ang araw ng aking kasal.

Hindi dapat ako umiiyak o malungkot man lang, dahil ang sabi nga nila pag-ikinasal ka dapat masaya at nakangiti. Kasama ang taong mahal mo na maglalakad papuntang altar ng simbahan, pero ang pinagkaiba nga lang hindi ko mahal ang taon makakasama ko habang buhay. Dahil ang taong mahal ko, matagal na akong iniwan at ako lang ang hindi pa nakakalimot ng lahat samantalang sya masaya na sa kanyang buhay.

Ilang minutong tumahimik ang lahat walang balak na magsalita at para bang hinihintay pa nila ang susunod kong sasabihin. Bumuntong hininga at lumunok ako ng malalim na para bang may bumarang tinik sa aking lalamunan. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba sa kanilang lahat ang nalalapit kong kasal, hindi ko rin alam kung anong magiging reaksyon nila, natatakot at kinakaban ako na hindi ko alam kung para saan.

Pero napagdesisyuan kong sabihin na lang sa kanilang ang lalapit kong kasal. Kasal na puro kalungkutan at hinanakit lang, pinilit na maging masaya kahit ang totoo hindi naman talaga. Alam kong may masasaktan ako, dahil lang sa desisyon kong yun, pero hindi ko ba deserve na maging masaya? Deserve ko naman diba.

Dahan-dahan kong itinaas ang aking ulo mula sa pagkakayuko at tinignan silang isa'isa. Nang matama ang mga mata naming dalawa ni Jovanna ay mabilis syang umiiwas ng tingin sakin at mabilis na umiinom sa hawak nitong baso. Alam ko namang iniiwasan nya ako, hindi ako ganun kabobo para hindi mahalata yun. Simula pa kanina nung makarating ako.

"And now, I'm going to marry a man. That I never loved." I said slowly and looked at the table.

Kasabay ng pagsabi ko nun ay ang pagsasabay din nilang singap at pagreact na para bang isang akong malaking tanga at ginagamit ko lang ang taong yun para panakip butas sa aking nararamdaman. Wala pa mang isang segundo ay may narinig ako pagkabasag isang ng bote.

Galing ang tunog na yun sa kinaroroonan ni Jovanna. Kahit na malakas ang musika at maiingat na tao ang aming nasa paligid, hindi pa rin nakaligtas sa aking tenga ang kanyang pagtayo sa kanyang kinauupuan at naririnig ko rin ang kanyang mga yapak na papalapit sakin. Habang ako naman ay nakatingin lang sa lamesa at hindi gunagalaw.

Tahimik ang lahat ang mga kasama ko, alam kong nagtataka at marami silang tanong sakin. Kung bakit naging ganito ang buhay ko, kung bakit ako pumayag sa kasal na yun ng basta-basta na lang at isa' alam kong may nasasaktan ako ngayong isang tao.

Nang marinig kong tumigil ang kanyang yapak sa aking harapan ay mabilis ako tumayo at tumingin sa kanya. Galit at nasasaktan. Yun ang nakikita ko sa kanyang mga mata ngayon. Galit na hindi nya mailabas at gusto nyang sumigaw at magwala sa aking harapan, galit na kahit anong paliwanag mo hinding-hindi ka nito papakinggan.

Katulad nung mga mata ni Hendrix, nung malaman nya ang totoong nangyari sa kanyang lola. Alam na alan ko yun, dahil ganun din nya ako tignan nung mga panahon na yun.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now