Chapter 28

223 8 0
                                    

Isang mahigpit na yakap ang nagpa-gising sakin mula sa mahimbing kong pagkakatulog. Hinayaan ko lang ang kanyang brasong yumakap sa aking bewang at naramdaman ko rin ang kanyang labing humahalik sa aking leeg. Hindi ko sya pinansin at ipinikit ko na lang ulit ang aking mga mata.

Pero ang puso ko ay hindi sumasang-ayon sa aking utak kaya naman imbis na pumikit ulit ang aking mga mata ay mabilis ko syang hinarap. Sinalubong ako ng mapupungay nyang mga mata. Hindi ko alam kung bakit sa tuwing nakikita ko ang kanyang mga mata ay para bang sinasabi nito na wala dapat akong aalalahalin.

"I like your eyes, baby." Wala sa sarili kong sabi sa kanya habng nakatitig sa kanyang mapusyaw na asul na mga mata.

Hindi naman nakaligtas sa aking paningin ang kanyang pag-ngiti ng malawak at mabilis na hinila ang aking ulo para mahalikan nya ang aking labi. Agad naman akong gumanti ng halik sa kanyang malalambot na labi na para bang ayaw ko ng matapos pa ang kanyang matatamis na halik na ngayon ko lang naranasan sa buong buhay ko.

Mabilis kong ipinulupot ang aking braso sa kanyang leeg para mapalalim pa ang aming halik. Pero hindi nagtagal ay agad syang humiwalay sa aming halik, hinabol ko pa ang kanyang labi dahil sa bigla nyang bitaw sa aming halik. Natatawa naman nya akong tinignan at kumindat sakin sabay alis ng kama at patakbo akong iniwan sa kanyang kwarto.

Tumingin ako sa itaas ng kisame at tulalang tumingin doon. Hindi ko maiwasang mapa-ngiti ng sobra, dahil siguro maganda ang gising ko o baka naman may iba pang dahilan. Basta ang alam ko lang masaya ako at walang makakapigil sakin kahit pa ang mundo ang kalaban ko. Susugal ako kahit anong mangyari.

Ilang minuto lang ako nasa ganoog posisyon, tulalang nakatitig sa kisame. Hanggang sa napag-desisyonan kong tumayo na mula sa kama. Lumabas ako ng kanyang kwarto at naglalakad na pababa ng grand staircase ng kanyang sariling mansion. Habang pababa ako ng grand staircase may naamoy akong mabangong aromang galing sa kusina.

Nang makababa ako ng garnd staircase ay dahan-dahan akong naglakad papuntang kusina kung saan ng gagaling ang naamoy kong mabangong amora. Nakarating ako ng kusina ng hindi gumagawa ng kahit anong ingay, aabutan ko si Hendrix na nakalikod mula sakin at kaharap ang kalan habang mahinag kumakanta.

"You know you love me. I know you care." Rinig kong pakanta-kanta nya sa loob ng kusina habang nagluluto.

Nakatingin lang ako sa kanya habang kumakanta sya, hindi nya siguro alam na andito ako ngayon sa may pintuan at pinagmamasdan syang kumanta. Sumandal ako sa hamba ng pintuan at nag-cross arms nakatingin sa kanyang hubad na likod. Nakangiti at para bang natatawa akong nakatingin sa kanya habang patuloy pa rin syang kumakanta.

"Just shout whenever and, I'll be there." Pagkanta ulit nya.

Hindi ko maiwasang pagmasdan ang kanyang hubad na likod, kung paano gumalaw ang kanyang matitipunong braso habang syang nagluluto. Nahahalata mong alagang gym ang kanyang katawan, mula sa kanyang maugat na braso papunta sa kanyang matitigas na dibdib at isa' pa may walo syang matitigas na tinapay sa kanya tyan kahit hawakan ko yun araw-araw ay hindi ako magsasawa.

"I think you loved the view, 99baby." Agad akong napatingin sa kanyang ng marinig ko ang kanyang sinasabi.

Nakapalumbaba sya habang nakangisi sakin at para bang nag-aasar naman. Hindi ko pinansin ang kanya sinsabi, bagkus ay tumitig ako sa kanya. Imbis na maasar ako sa kanya ay tumawa ng pagkalas-lakas dahil ang kabila nyang kamay ay mahawak na sandok. Hindi ko alam kung anong masasabi ko sa kanyang itura ngayon, mukha syang hot chef/ na may pagka-boss.

"I have a hot chef here." Puri ko sa kanya habang papalapit sa kanyang kinaroroonan.

"I know, baby. I am super hot especially, on the bed." Nakangisi nyang sabi sakin habang papalapit ako sa kanya.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now