Chapter 30

212 8 0
                                    

"Ms. Santos, what's my schedule for today." Narinig kong sabi ni Hendrix sa kanyang secretary sa kabilang linya.

Tahimik lang akong nagmamaheno ng kanyang black sports car at patingin-tingin sa kanyang sa rear view mirror dito sa loob ng kanyang sasakyan. Papunta ka ngayon sa kanyang kompanya at ito ako ngayon nagmamaheno ng kanyang mamahaling sasakyan. Hindi ko alam kung bakit wala si Oliver ngayon at ako ang naging diver ni Hendrix.

Hindi ako nagsalita at nakinig lang ako sa kanilang usapan ng kanyang secretary. Pagkatapos ng kulitan't asaran at habulan namin ni Hendrix kanina sa gitna ng ulan ay nagpag-desisyunan naming pumasok na lang sa kanyang kompanya kaysa naman para kaming baliw na nagtatakbuhan sa kanyang bakuran.

"Okay, we're on our way." Agad nyang binaba ang hawak nyang cellphone pagkatapos nilang magusap ng kanyang secretary.

Walang nagsalita saming dalawa tanging tunog lang nagsasakyan at paghinga namin ang aking naririnig. Sigurado akong seryosong bagay ang napagusap nila ng kanyang secretary.

Naalala kong kailangan ko nga palang sabihin kay Kuya Callen at kay Daddy ang pagkikita namin ni Ms. Lotus, dapat malaman nilang nakita kami. Sigurado akong hindi sila makapaniwala na nakita't nakausap ko ang babaeng yun.

Kung hindi ako nakapagpigil baka napatay ko na ang babaeng yun, at sisiguraduhin kong hinding-hindi na sya makakauwi pa. Wala pa ring balak magsalita ang dalawa samin, hindi ko alam kung anong inisip ni Hendrix.

Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya sa rear view mirror ng sasakyan, mukhang malalim ang inisip nya dahil tulala syang nakatingin sa labas ng binta ng saskyan. Patingin-tingin ako sa kanya at pinagmamasda, at kitang-kita ko kung paano umigting ang kanyang panga at ikinuyom ang kanyang palad.

"That fucker I will kill him." Rinig kong bulong nya habang nakatingin pa rin sa labas ng sasakyan.

Nahahalata mong galit na galit talaga syang base na rin sa kanyang tono at kung paano nya bigkasin ang mga salitang yun. Hindi ako nagsalita at nag-focus na lang sa pagmamaneho ng sasakyan papunta sa kanyang kompanya. At isa' pa hindi ko kilala kung sino mang kaaway nya.

Tahimik pa rin kaming dalawa dito sa loob ng kanyang sasakyan, hanggang sa makarating kami sa kanyang kompanya. Nauna akong bumama sa driver's seat at mabilis na pumunta sa kabilang pintuan para pagbuksan sya ng pinto. Seryoso kong binukan ang pintuan at tumayo sa gilid na para bang isa ako sa mga guard na binubuksan ang pinto para sa mga kasama sa pa red carpet.

Umiigting pa rin ang panga habang pababa sa sinasakyan nitong black sports car. Napatingin naman ako sa kanyang nakakuyom na palad, mabilis kong isinara ang pintuan at agad na sumundo sa kanyang paglalakad. Seryoso at para bang galit sya habang naglalakad sa entrance ng kanyang kompanya.

Tahimik lang akong nakasunod sa kanyang paglalakad, hinayaan ko lang syang maglakad mag-isa ayaw ko syang sabayan dahil simula ng tumapak ako sa kanyang kompanya dapat ko syang galangin kahit na madalas ay nakakainis sya misan, pero hindi pwede dahil sya pa rin ang boss ko.

"Good afternoon, Mr. Anderson."

"Good afternoon, Sir."

Narinig kong sabay sabay nilang pagbati habang nalalagpasan lang sila ni Hendrix na para bang wala ito sa mood para bumati sa kanyang mga empleyado. Hanggang sa nakarating kami sa kanyang sariling elevator ay ganun pa rin ang kanyang itsura. Umiigting pa rin ang kanyang panga at nakakuyom ang kanyang isang palad.

Nauna na syang pumasok sa elevator at nakasunod lang ako sa kanya. Galit syang pumasok sa elevator nakasunod ako sa kanyang pumasok at ako na mismo ang nagpindot ng floor number papunta sa kanyang opisina. Mabilis kong inabot ang kanyang nakakukuyom na palad.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now