Chapter 26

201 9 0
                                    

Nakatayo lang ako sa isang gilid at boring na nakikinig sa taong nagsasalita sa aming harapan. Tahimik ang lahat tanging ang taong nagprepresenta ang nagsasalita sa harapan. Seryoso naman akong nakikinig na para bang interesado ako sa kanilang pinag-uusapan.

Andito lang naman kaming dalawa ni Hendrix sa conference room ng kanyang kompanya at dahil ako ang kanyang bodyguard kailangan akong sumama sa kanya kahit na sobrang boring at nakakaantok dito.

Hindi ko maiwasang mapatingin kay Hendrix dahil kanina pa ito hindi nagsasalita at para bang may malalim syang iniisip, minsan pa naririnig kong sya may bunubulong sa kanyang sarili na parang nababaliw na sya jan sa kanyang upuan.

Hindi ko inaasahang tutunog ang aking cellphone ko sa aking bulsa, agad itong nakaagaw ng pansin sa mga taong dito ngayon sa conference room at pati ang tulalang si Hendrix ay napatingin din sakin.

Nagmamadali kong kinuha ang aking cellphone at tinignan ang caller, siguro importante itong tawag dahil hindi naman tatawag sakin si Renz para manga-musta lang. Agad akong lumapit sa kinauupuan ni Hendrix at yumuko ng kaunti para magkapantay ang kanyang tenga sa aking bibig.

"Can I answer this call, Sir" Mahina kong bulong sa kanya, para makapagalam akong sagutin ang tawag ng aking pinsan.

Tumango lang sya sakin at hindi nagsalita ng kahit na ano. Hindi ko na lang sya pinansin at naglakad na papalabas ng conference room, pagkasara ko ng pintuan ay tumayo lang ako sa gilid at sinasagot ang tawag ni Renz.

"What's is it, Renz?" Bungad kong tanong pagkatapos kong sagutin ang kanyang tawag.

"We already track that traitor's location, Caitríona." Seryoso ang kanyang boses ng sabihin sakin ang balitang yun.

Dapat nagsasaya ako ngayon dahil sa wakas ay nahanap namin sya, sobrang tagal na panahon na rin syang nagtatago mula saming lahat. Pero hindi ko magawang magsaya ngayon, dahil alam kong hanggang sa mga oras na ito ay nagbabalak naman syang magtago ulit.

Kilang-kila ko na sya simula pa noon, hindi ko rin inaasahan na magtatraydor sya sa aming lahat. Alam ko naman na may hindi kami pagkakaintindihang dalawa, pero hindi ko naman alam na ganito ang ang gustong nya magyari.

"What now, Caitríona.?" Tanong ng isang boses, agad naman akong napabalik sa realidad ng marinig ko ang kanyang tanong.

"Catch that traitor alive and bring to the head quarters, Renz." Seryoso kong utos sa kanya. Hindi na ako nagpaalam pa sa kanya at mabilis kong pinatay ang tawag.

Ikinuyom ko ang aking palad habang hawak pa rin ang aking cellphone. Mukhang magkikita muli kaming dalawa at magkakaharap ng masinsinan. Kailangan kong makuha mula sa kanyang mga kamay ang importanteng dokumento. Hindi ko man alam kong bakita sya biglang nagtraydor sa aming lahat, pero wala na akong magagwa dahil sarili nyang desisyon yun.

"Who's that, baby?" Tanong ng isang boses sa aking gilid. Hindi ko na kailangan pang lumingon dahil kilang-kila ko na ang boses na yun.

"Renz." Simple kong sabi sa kanya at hindi sya nilingon man lang.

Rinig ko ang kanyang yapak na papalapit mula sa aking kinatatayuan. Hindi ako umaalis sa aking kinatatayuan at hinayaan syang lumapit sakin. Akala ko ba nasa loob sya ng conference room at nakikinig sa kanilang meeting. Bakit andito sya ngayon?

Hinarapa nya akong nakangiti saking mga mata, hindi ko man lang sya ginantihan na kahit isang ngiti man lang. Seryoso lang akong nakatingin sa kanya at nakakuyom pa rin ang aking palad habang hawak ko pa rin ang aking cellphone.

Bumama ang kanyang tingin sa aking nakakuyom na palad at ngumiti ulit. Akala ko magtitigan na lang kami ditong dalawa pero nagkamali ako dahil agad nyang inabot ang aking nakakuyom na palad at kinuha ang hawak kong cellphone.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now