Chapter 29

194 8 0
                                    

"I caught you, Caitríona." Sabi ng batang lalaki at nakadungaw sa kabilang bahagi ng puno.

"Madaya ka naman." Naka-simangot na sabi ng batang Caitríona sa batang lalaking nakadungaw sa likod ng puno at nakangisting nakatingin sa batang si Caitríona.

"I am not a cheater." Pagdidipinsang sabi ng batang lalaki at hinarap sya. "Ang liit mo naman tapos ang pangit mo pa, Caitríona." Natatawang sabi ng batang lalaki habang nakatingin sa batang si Caitríona.

Hindi pa rin mawala ang pagkasimangot sa mukha ng batang si Caitríona habang nakatingalang nakatingin sa batang lalaking mapang-asar na nakatingin sa kanya. Tumayo ang batang si Caitríona at masungit na tinignan ang batang lalaki.

Nakapamewang na hinarap ng batang si Caitríona ang batang lalaking kina-iinisan nya dahil lagi sya nitong inaasar na para bang walang araw na hindi sya inaasar ng batang lalaki dito sa mansion. Nakatingin lang sito at parang bang iiyak na ang batang si Caitríona dahil pang-aasar ng batang lalaki.

"Kuya..." Naiiyak nyang sabi sa batang lalaking kaharap nya.

"Hey, stop. Don't call me kuya. I am not your brother, kid." Saway ng batang lalaki kay Caitríona na ngayon ay umiiyak na.

"Mommy..." Umiiyak na bangit ni Caitríona sa kanyang ina habang patuloy pa ring umiiyak sa harap ng batang lalaki.

"Shhhh... okay I am sorry Caitríona. You're beautiful. I am just joking." Pagpapatahan ng batang lalaki ata sabay yakap sa batang si Caitríona.

"Baby? Are you okay?" Napabalik ako sa realidad ng marinig ko ang boses yun ni Hendrix.

Tulala pala akong nakatingin sa kanya, hindi ko man lang namayaan yun. Dahil sa bumalik ang mga alaalang hindi ko alam na nagyari pala sa buhay ko. At isa' pa hindi ko kilala ang batang lalaking yun, wala naman akong naging kaibigan maliban kila Poala kaya imposibleng may batang lalaki akong kilala noon.

Hindi ako nagsalita at tinitigan lang si Hendrix na nagtatakang nakatingin sakin. Walang nasalita sa aming dalawa at nagtitigan lang kami sa ilalim ng malaking puno dito sa bakuran ng kanyang mansion. Agad syang lumapit sa akin at tinignan ako ng may pag-aalala dahil hindi ko sinagot ang kanyang tanong.

Hinawakan naman nya ang dalawa kong balikad at tinitigan ang ng maigi gamit ang kanyang mapusyaw na asul na mga mata. Ilang sandali kaming nasa ganung posisyon lang at para bang ayaw na naming bumitaw sa aming titigan.

"Baby, are you okay? What happened?" Tanong nya ulit sakin, perk hindi ko sya sinagot. "Tell me. What happened? I'm worried." Dagdag nya pang sabi sakin habang hawak pa rin ang aking dalawang balikat.

"I need to.... run." Mabilis kong inalis ang kanyang dawang kamay sa aking balikat at walang kasing-bilis akong tumakbo.

Hindi ko sya nilingon at mabilis na tumakbo ulit pa-ikot sa kanyang malaking bakuran dito sa kanyang mansion. Hindi ko na nakita pa ang kanyang itsura dahil mabilis akong tumakbo. Tawa lang ako ng tawa habang tumakbo ng mabilis na para bang nababaliw na at kailangang dalhin sa mental hospital.

"Baby, you're a cheater. You cheat." Rinig kong malakas nyang sigaw habang nasa may puno at nakapamewang na nakatingin sakin.

"Why? We don't make any rules, baby." Malakas ko ring sigaw balik at natatawa pa ring tumakbo na para bang sira na ang ulo ko.

"But you still a cheater." Hindi ko ma-imangine ang kanyang naka-simangot na mukha ata parang bata na namang na-agawan ng candy sa labas.

"When I catch you, baby. Get ready for me." Rinig ko namang sabi nya at mabilis ring tumakbo at hinabol ako.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now