Chapter 46

202 9 0
                                    

"You have to meet Don Alfred, Caitríona." Biglang bungad na sabi sakin ng aking ama habang papasok sya sa aking opisina.

Agad ko syang tinaasan ng kilay dahil sa kanyang sinabi. Ano naman ang gagawin ko dun? Maliban na lang kung may pinauutos ang aking ama na kailangan ko talagang sundin. Sa totoo lang ayaw ko ng magkausap kami ni Don Alfred dahil alam kong may pagkakataon na magkikita talaga kami ng kanyang apo. Hindi naman sa iniiwan ko sya, ayaw ko lang talaga syang makita pa.

Hindi ko pinansin ang aking ama at nagpatuloy ako sa aking ginagawa. Sinusurii ko ang iba't ibang kalse ng baril sa aking harapan, tinitignan ang kalidad ng mga baril sa aking harapan. Akala ko wala na ang aking ama sa aking harapan dahil naging tahimik ang buong opisina ko dito sa headquarters, pero nagkamali ako dahil agad kong naramdaman ang malakas nya pingutin ang puno ng aking tenga.

"Aww! Daddy!" Nasasaktan kong sabi sa kanya dahil malakas at masakit ang kanyang ginawa.

"You stubborn, young lady." Naiiritang sabi sakin ng aking ama habang hindi pa rin inaalis ang kanyang pagkakapingot sa aking tenga.

"Dad! Stop, it hurts!" Mahinang daing ko. "Okay... okay, I will listen, dad." Pagkatapos kong sabihin yun ay agad nyang binitawan ang aking tenga at masungit akong tinignan.

Hawak-hawak ko ang aking tenga habang nakatingin lang din sa kanya, para syang si Mommy. Kapag hindi kami nakikinig sa kanilang dalawa ay lagi nilang ginagawa ang bagay na yun, kaya wala kang pagpipililan kundi ang pakinggang silang dalawa dahil mas nakakatakot pa sa multo ang mga magulang ko.

Nakanguso akong nakatingin sa kanya dahil sobrang sakin takaga ng ginagawa nya sa aking tenga. Mamaya paguwi ko isusumbong ko sya kay Mommy, ang kaya nun. Ilang segundo lang ata ang ginagawa kong paghaplos sa aking tenga ng biglang nagsalita na naman ang aking ama na mas mas lalong nagpairita sakin.

"Meet Don Alfred at his mansion now." Simpleng sabi sakin ng aking ama. Hindi ko naman alam kung anong gagawin ko dun.

"Same mansion, dad?" Hindi ko interesadong tanong sa kanya. Gaya nga sinabi ko ayaw ko munang makita ang kung ano mang kuniktado sa kanya.

"No. In the mansion of Don Alfred's daughter. Hendrix's parents." Walang reaksyon kong tinignan sa aking ama, ayaw kong magpakita ng kung anong reaksyon dahil lang sa narinig ko na naman ang pangalang yun.

"For what?" Bored ko na namang tanong.

"I don't know. That's Don Alfred's request." Mukhang hindi naman nagsisinungaling ang ama ko, dahil nakikita mo talaga sa kanyang mga mata na hindi sya gumagawa ng kuwento.

"I will take Red with me to the mansion." Buntong hininga kong sabi sa kanya. Wala naman akong pagpipililan kundi ang pumunta.

Tumango lang sakin ang aking ama at lumabas sa aking opisina. Habang ako naman ay napasandal sa aking upo at itiningal ang aking ulo at pinagmasdan ang kisame ng aking opisina. Ano naman kaya ang binabalak ni Don Alfred at bakit kailangan ko pang pumunta sa mansion na yun. Kung pwede naman syang pumunta dito sa headquarters.

Kaya na ayaw kong punta, mapipilitan talaga ako dahil request nya yun at isa' pa sya mas nakakataas kaysa sakin. Kaya kahit magwala o umiiyak ako dito wala akong magagawa kundi ang pumunta't kausapin sya. Kahit na labag man sa kalooban kong pumunta. Hindi naman sa ayaw ko syang makausap, pero natatakot lang kasi akong magkita kami ng apo nya. Yun ang gusyo kong iwasan.

Nakailang buntong hininga na ata ako ng makarinig ako ng isang malakas na katok mula sa pintuan ng aking opisina. Hindi ako nagsalita at nakatingala lang ako sa kisame ng aking opisina at para bang ayaw ko ng gumalaw sa aking kinauupuan. Hindi ko pinansin ang mga yapak na aking naririnig na papalapit sa aking lamesa tanging nakatingala lang ako.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardDonde viven las historias. Descúbrelo ahora