Chapter 14

321 10 0
                                    

Hindi ko alam kung sino ang pakay ng mga nakablack suit na yan, kung kaming dalawa ba ni kuya Aiden or si Hendrix. Walang gumalaw sa aming lahat at para bang nagpapakiramdaman kaming lahat alam kong pigil hininga na ngayon ang lima kong kaibigan.

Ilang minuto ang nakalipas na nasa ganoon pa rin kaming posisyong lahat. Walang kumilos sa aming lahat, nakakapagtaka lang dahil kahit isa man lang sa mga tao dito sa resort ay wala akong nakita. Imbis na magsayang ng oras pinagmasdan ko na lang ang buong paligid, masama talaga ang pakiramdam ko dito parang may mali. Bakit naman bigla bigla na lang sila sumusugod, sigurado akong si Hendrix ang paka nila ngayon imposible namang kaming dalawa ni kuya Aiden ang pakay nilang lahat. Kung kami man dalawa ni kuya Aiden ang pakay nila, dapat sa HQ sila sumugod diba?

"Ano yun?" Biglang basag ni Averie sa katahimikan ng paligid sabay turo sa may kalangitan. Napatingin naman kaming lahat sa kanyang itinuro.

"It's a bird," Jovanna said while also looking at the sky.

"No, that's a plane." Sabi din naman ni Darius, habang nakatingin din sa kalangitan.

"Sasakyan yan ng mga alien." Sabat din ni Zaille sa dalawa. Napasapo na lang ako sa aking noon dahil sa mga naririnig kong kalokohan nila, nagawa pa talaga nilang magbiro sa ganitong sitwasyon.

"I think that's a helicopter." Biglang sabat ni Hendrix sa aking likod, hindi ako nagsalita at nakikinig lang ako sa kung ano mang pinagsasabi nilang lahat. Wala akong panahon makipagbiruan sa kanilang lahat.

Hindi nga nagkakamali si Hendrix dahil isang helicopter ang mabilis na lumapag sa dalampasigan, ilang minuto ang lumipas at nakatayo lang kaming lahat at naghihintay kung sino ang baba mula sa helicopter. Inaasahan ko na kung sino ang mga baba mula sa helicopter, at sigurado akong natataranta 't nagkakagulo na ang mga tauhan ni daddy sa HQ dahil sa paghingi ko ng backup hindi na rin ako nagtataka kung paano nila nalaman ang aking lokasyon ngayon.

"Yum! Another Papi." Napabalik ang aking diwa ng bilang tumili si Jovanna na para bang nasa isang concert sya ngayon ng boy band group. Nakababa na pala mula sa helicopter ang tatlong sakay nito, kaya pala grabe kung makatili si Jovanna.

Tinignan ko yung tatlong bumama mula sa helicopter, hindi ko naiwasang mamangaha sa kanilang tatlo dahil pare- parehas silang naka- beachwear at may mga hawak na tig isa-isang baril sa kanilang kamay. Renz is wearing a tailored swim shorts with a long sleeve white linen shirt. My brother Callen wearing a sleeveless shirt with bermuda and also Jetro is wearing open shirts with shorts and a beach sunglasses. Aiden is wearing a black sleeveless printed tee and bright palm print shorts. Hindi alam kung sasabak ba kami sa laban or may fashion show lang dito sa beach dahil sa mga pormahan nilang tatlo. Hindi rin nagtagal ay nag-sidatingan na ang mga tauhan namin mula sa HQ, mabilis namang nakalapit sa aming kinaroroonan ang tatlo.

"Daddy is worried about you, are you okay?" Salubong na tanong sakin ng kapatid kong si Callen. Hindi ko sya sinasagot bagkus ay pinagmasdan ko pa ang paligid, saka ko lang nakita ang isang anino ng isang lalaking nakatayo at para bang may inaayos syang kung ano. Doon ko lang napinsin ang Accuracy International AWM Sniper nitong hawak.

"There is a sniper on our left side." Biglang sabi sa aming lahat ng pinsan kong si Aiden, akala ko hindi nya rin napansin yun. Mukhang mahihirapan kaming magpipinsan dito.

Inabot naman sakin ni Jetro ang isang pistol gun, hindi alam kung saan nila nakuha o paano nila naipasok dito sa resort ang mga armas pero wala na akong pakialam dahil mas mahalaga ang buhay naming lahat dito ngayon. Hindi pa rin ako nagsasalita, wala akong maisip na plano ngayon nahihirapan ako magdesisyon ngayong nakasalalay ang buhay ng mga kaibigan ko at pati na rin si Hendrix.

Amaya Series #1: His Sweet But Deadly BodyguardWhere stories live. Discover now