Chapter 46

156K 9.5K 3.9K
                                    

WHY DID JORDAN MOISES HERRERA SMILE?


What the hell is that for?


I didn't expect that I would see him again. I really had no idea that he was here. My head was now throbbing like crazy because of the shock. 


Sa dinami-dami ay ang firm pa na pag-aari ng tito ni Jordan sa Manila ang kinuha nina Mommy at Ninong Luis. Siguro nagkita lang sina Jordan ni Mommy sa kung saan at nagkakumustahan. Nabanggit niya ang firm nila at agad namang nagustuhan ni Mommy ang idea. Just like what he said, tinanggap niya ang trabaho dahil kay Mommy. Hindi niya lang talaga matanggihan.


Ipinilig ko ang aking ulo at hinintay na lang na ipasok ng driver na si Kuya Nato ang mga maleta ko. Ang lalaki ang driver na sumundo rin sa akin sa airport kanina. Ipapaakyat ko sa aking kwarto ang mga maleta pero bukas ko na aayusin ang mga laman. Gusto ko na lang munang mahiga sa kama para magpahinga.


Narinig ko ang boses ni Mommy mula sa labas ng pinto. Pumasok ang babae sa loob ng sala. "Darling, nagpasundo pala sa Dasma ang Ninong Luis. Dumiretso roon ngayon si Nato."


"Ang mga maleta ko, My?" tanong ko. Nasa trunk pa kasi ng kotse ng mga iyon at hindi pa yata naibababa.


Bumukas ulit ang pinto at sandali akong natigilan nang si Jordan ang pumasok doon. Kumunot ang aking noo nang makitang bitbit niya sa magkabilang kamay ang dalawang maleta ko.


Oh, I thought he was leaving because his girlfriend was waiting for him?


Ang mga muscles niya sa braso ay naging firm dahil sa pagbubuhat ng mga maleta ko. Ibinaba niya ang mga ito sa lapag. Mabibigat ang mga ito pero hindi naman siya mukhang nahirapan.


Napatingin ako sa harapan ng suot na black V-neck shirt ni Jordan. Ngayon ko lang natitigan nang husto ang kanyang kabuuhan. Kaya nga niya talagang magbuhat ng kahit mabigat. His chest and shoulders were wider and broader now. His body build was now on the mid fit and ripped type.


Sakto at bagay sa kanyang tindig at tangkad ang lahat. Kung sa mukha naman, wala pa ring maipipintas sa kanya kahit katiting. He was a work of art. 


He was no longer the pretty boy I knew in high school, Jordan Moises Herrera was now a drop-dead-gorgeous. I'd give him that much.


Napansin ko na nakatingin din siya sa kabuuhan ko. Was he examining the changes in my body, too?


Ang kulay tanso niyang mga mata na bagaman blangko ay nakatuon nang direkta sa akin. Gustong tumaas ng isang kilay ko pero pinigilan ko ito. Ayaw kong magsayang ng kahit na kaunting lakas.


"Thank you," pasasalamat ni Mommy sa lalaki.


Tumango lang naman si Jordan.


Bumaling si Mommy sa akin. She was waiting for me to thank Jordan too. But I didn't say anything.


Nag-ring ang phone ni Mommy. Nag-excuse siya sa amin para sagutin ang tawag. "Hello, honey? What do you want for dinner? Yes, I miss you, too."

South Boys #2: HeartbreakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon