Chapter 30

621 44 50
                                    

Kathy's P. O. V

"So pano na to?" tanong ko sa kanila.

"Hayaan mo na. Wala rin naman tayong plano eh" sagot ni Haruto.

Nag-sigh na lang ako.

Wala na talagang pag-asa ang klase namin...

"Sabi na nga ba maling ideya to" sabat naman ni Ashe.

"Aba. Gurl, edi sana di ka na sumali sa Fake Date na to. Duhhh" sagot naman ni Christine.

"Hoy! Anong sinabi mong baklitang impakta ka?" biglang sugod ni Ashe kay Christine na pinigilan naman nila Kenji at Zeal.

Napatayo rin si Christine, "Napaka-walang kwenta mo! Masaya ka na?"

Di na nakapagpigil si Ashe at sinipa ang dalawang lalaking pumipigil sa kanya, sinugod si Christine at sinabunutan ito.

Bigla akong napatakbo sa pwesto nila at sinubukan silang pigilan. Pinipigilan rin sila ng ibang kaklase namin.

Yung iba naman, parang tuwang-tuwa pa sa pangyayari at nagbabato na lang ng papel sa nag-aaway na to. Yung iba naman eh wala lang pake.

Huhu T_T Ano ba naman tong klaseng pinasukan ko?

Nagkagulo na sa classroom namin...

"1-A! WHAT IS HAPPENING HERE?!"

Napatingin kaming lahat sa may pinto kung nasaan nagmumula yung sigaw.

Andun si Mam na homeroom teacher namin at galit na galit na nakatayo sa pintuan.

"SIT DOWN PROPERLY STUDENTS!"

Sa lakas ng boses ni Mam, nagsiupo agad kami sa mga upuan namin.

Pumunta siya sa may table at malakas na binagsak ang mga gamit niya dito.

"Can someone explain to me what is happening here?"

Nagkatinginan lang kaming lahat. Naghihintay kung sino ang magsasabi ng nangyari kay Mam.

Nang biglang nagtaas ng kamay si Katzuya at tumayo, "Ashe and Christian started all of this, Mam"

Woah. Laglagan ng kaklase Katzuya?

Nakita kong napatingin sa kanya ng masama si Ashe at Christine.

"You two, kailan pa ba matatapos yang bangayan niyong dalawa ha? Say sorry to each other. I won't ask the reason why are you feuding with each other so please say sorry to each other"

Nagkatinginan sila Ashe at Christine.

Tumayo silang dalawa at lumapit sa isa't isa.

Pero nag-irapan muna sila.

"Ehem, I am waiting..." singit ni Mam.

Eto namang dalawa, nagplastikan ng ngiti at nag shake hands, "SORRY!"

They said it sarcastically. Mukhang hindi pa rin sila bumibitiw sa isa't isa at parang mas hinihigpitan nila yung pagkakahawak sa isa't isa...

Ewan ko ba kung matatawa ako sa dalawang to o ano.

"Tama na yan. Umupo na kayong dalawa"

Binitiwan na nila ang isa't isa at nagplastik ulit ng ngiti. Sabay balik sa mga upuan nila.

"Listen 1-A..." command ni Mam samin.

Kung naging medyo kalmado na siya kanina, bumalik ulit ang pagkagalit niya,"YOU GAVE A WRONG IMPRESSION TO YOUR NEW ADVISER!"

New Adviser?

Sabay-sabay kaming nagtanong, "New Adviser???"

"Yep. Your new adviser. Don't tell me YOU DIDN'T KNOW ABOUT YOUR NEW ADVISER?" sagot naman ni Mam.

Animazing AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon