Chapter 28

560 40 10
                                    

Kathy's P.O.V

"Eh?! Mahilig ka sa YAOI Fan-chan?"

Tinakpan ni Fan-chan yung bibig ko, "Ano ka ba Kathy-chan? Baka may makarinig. Ano pang isipin nun"

Tinanggal ko yung pagkakatakip niya sa bibig ko, "Fan-chan? Heeeelooo? Tingnan mo nga. Konti pa lang yung customers dito tsaka mukhang hindi naman nila alam yung Yaoi no "

"No. Hindi yun yung ibig kong sabihin. Baka kasi bumalik na yung dalawa tapos marinig yung sinabi mo. Baka ano pa yung 1isipin nung dalawa"

I sighed, "Kung sabagay"

Ah. I didn't mention it yet. Pagkatapos ng sweet scene nung dalawang lalaki na kilala niyo na kung sino ay di ko na maipaliwanag yung scene eh. Basta. Di maipinta yung reaction nung dalawa. Siyempre, nakahalikan mo yung same gender mo tapos tatawa ka pa? Sa bakla pwede pa eh. Tulad ni Haruto. Sa totoo lang, natutuwa yan. Nahihiya nga lang ipakita. Wahahahah!

Okay, so pagkatapos nga nun ay nakatingin lahat ng tao sa kanila at dahil sa naaawa naman kami ni Fan-chan, Yeeeeees! Wag niyong kakalimutan na kami yung mababait sa kwentong to ah, ay inalis namin sila sa group ng mga taong yun at dahil sa ang restaurant na lang na ito ang pinakamalapit dun sa scene at kaunti lang ang tao dito ay dito na muna kami nagstay. Mabuti nga at di kami sinundan eh.

Dahil nabutas nga yung pants ni Haruto, siyempre nakakahiya namang pumunta ka kahit saan tapos butas yung pants mo tapos kita yung kahihiyan na HELLO KITTY sa loob diba? Pfft! Tatawa muna ako.

Okay. Tapos na. Itutuloy ko na. So ayun nga. Buti na lang at may dalang extra pants si Kenji. Ewan ko kung bakit may dalang extra yun, siguro naiihi yun sa pants niya minsan. De, joke lang. Pinahiram niya muna pants niya kay Haruto. Since malaki naman yung mga pants ng mga boys, nagkasya naman sa kanya kahit papano. Eto namang si Haruto, nagmamadaling kinuha yung pants at nag-CR para magpalit. Si Kenji naman, nagexcuse na magCCR din daw dahil nasusuka daw siya. Siguro dahil dun sa kiss nila kaya siya nasusuka. Sino ba namang di susuka kung mahahalikan mo si Haruto? Mukha pa nga lang nun eh, sukang-suka na ko. Sama ko no. Peace V ^__^

“Ikaw Kathy-chan? Mahilig ka din ba sa Yaoi?”

Bakit nga ba napunta yung topic namin sa Yaoi? Hmmmmmm.....Ah! Kase YAOI SCENE nakita ko kanina kaya natanong ko kay Fan-chan kung mahilig siya sa Yaoi.

“Hindi eh”

Mukhang nalngkot siya, “Bakit naman? Akala ko pa naman fan ka rin ng Yaoi”

“Eheheheh. Sorry. Opposite Gender gusto ko eh. Mas kinikilig ako dun”

“Ganun ba? Ah. Eh sa Yuri?”

“Yu-Yuri? 10.62% siguro”

“Eh? Ba't may .62% pa? Di mo na lang iround off?”

“Yun na nga eh. Mataas na yung 11% pag niround off”

“Hay nako Kathy-chan. Di kita magets. Pero anyway, ano bang pinakagusto mong Genre?”

“Dati Reverse Harem tapos naging Shoujo na tapos nung nakabasa ako ng isang Manga na Shounen, nahilig na ko dun”

“Eh? Pero yung Shounen, para yun sa mga 'young boys' diba?”

“Eheheheh. Ang asteeeeeeg kase. Sana lalaki na lang ako” sabi ko.

“Anong ASTIG pinagsasabi mo Kashikoi?”

Wait. Boses ni Haruto yun ah. Don't tell me...

“A-andito na pala kayong dalawa” sabi ni Fan-chan.

Umupo na yung dalawang lalaki. Waw. Nagkasabay pa talaga.

So eto yung seating arrangement namin...

Animazing AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon