Chapter 40

325 25 8
                                    

Katelyn's P.O.V

Ang mga kasama ko naman ay sila Sachiko at Haruka-senpai.

Grabe, natotomboy na naman ako. Pano ba naman kasi, ang cute ng mahabang black hair ni Haruka-senpai. Pano pa kaya yung mukha niya? Nakamask kasi siya eh kaya hindi ko alam yung mukha niya.

Pero ang ipinagtataka ko lang. Nakapamulsa siya. Para siyang lalaki.

Humarap sa amin si Haruka-senpai at nagsalita, "Kung hindi ninyo naitatanong, may kapangyarihan ang bawat isa samin. Ang akin ay invisibility"

Ikinagulat namin ni Sachiko ang sinabi niya. Isa pang ikinagulat ko ay parang may pagkaboyish niyang sinabi ang mga katagang yun.

Ibig sabihin, may pagka-boyish rin siya tulad ko?

:(

Mas lalo akong nagulat nang makita ko ang Anime na nasa likod ni Haruka-senpai.

Hajime No Ippo...

Napansin ni Haruka-senpai ang tinitingnan namin ni Sachiko kaya napatingin rin siya sa likod niya.

Pero bigla na lang nawala si Haruka-senpai.

Hala. Asan na yun?

Lumapit naman si Ippo sa amin na bida ng Anime na to.

Pero pagkalapit na pagkalapit niya ay bumagsak siya kaagad.

Teka. Anong nangyari?

Yung mga kasama niya eh inalalayan siya kaagad.

"Ayos ka lang ba bata?" tanong pa ng coach nila sa hinimatay na si Ippo.

Lalapitan na rin sana namin si Ippo para alalayan pero narinig kong sumigaw si Sachiko, "Si Senpai!"

Napatingin ako agad sa tinitingnan ni Sachiko. Ganun rin ang mga characters ng Anime na to dahil sa lakas ng sigaw niya.

Si Senpai, andito na kaagad.

Pero diba, nawala siya kanina.

Saka naman ako may naalala bigla.

Hindi kaya...

...ginamit ni Haruka-senpai yung kapangyarihan niyang invisibility kanina kay Ippo?

Nang ma-realize ko yon, lumapit ako kay Senpai.

"Senpai, hindi sila kalaban at wala silang kapangyarihan gaya ng ibang Anime Characters"

Saka lang na-realize ni Senpai ang sinabi ko at agad-agad rin siyang tumakbo para tingnan ang kalagayan ni Ippo.

Naka naman oh. -__-

Pero hindi naman namin siya masisisi. Kasalanan niya bang hindi niya alam yun?

Lumapit ako ulit sa kanila. Ginigising pa rin nila si Ippo.

Buti na lang ay hindi nila nahalata ang ginawa ni Senpai kundi baka hindi pa namin sila mapilit sa sasabihin namin sa kanila.

Binulungan ko si Senpai, "Senpai, di po namin sasabihin sa kanila ang ginawa niyo. Pero pwede na po ba naming sabihin ang pakana natin sa kanila?"

Ngumiti si Haruka-senpai at nag-nod.

Kinalabit ko naman si Sachiko at ngumiti siya sakin.

Sumigaw kaming dalawa na dahilan para maituon nila ang atensyon samin imbis na kay Ippo.

"BUMALIK NA PO KAYO NG ANIME WORLD!"

Kei's P.O.V

Ang kasama ko ay si Naruse at Himeno-senpai.

Animazing AcademyOù les histoires vivent. Découvrez maintenant