Author's Note:

781 25 8
                                    

P.S: Mahaba itong Author's Note ko. Pang-nobela.

First of all. O diba? Sabi sa inyo eh, may surprise ako sa inyo sa Chapter bago nito. Nagulat ba kayo? Na nagtapos na agad to? Haha xD Mahilig talaga ako sa mga surprises ehh, sorry.

Iyak na, dali. Joke. Alam ko namang malungkot kayo kasi tapos na ang A.A pero wag kayong malungkot. Uso naman reread diba? Edi basahin niyo ulit kung ayaw niyo pang matapos lol. Hula ko. Yung iba dyan masaya kasi tapos na to. Para mabawasan daw nasa library nila :3 Jk.

Alam ko marami kayong tanong kasi biglaan yung pagka-publish ko ng Epilogue. Sori na. Gusto ko talaga kayo sorpresahin eh. Pero seryoso na, alam ko talagang may mga tanong kayo tungkol sa A.A. So yung ibang questions ay sasagutin ko na dito?

i. Magkakaroon ba ito ng Book 2?
- No. Haha. Diretsahan eh. I mean, sori sa mga pinangakuan ko ng Book 2 :( Wala na talaga akong balak gumawa ng Book 2. Ang hirap kasi eh. Ang dami ng mga characters tapos kailangan ko pa kabisaduhin para lang magsilabasan sa mga chapters. Kailangan ko pa isulat eh sayang papel xD. Pero di nga, ayoko na. Bukod sa maraming characters, wala pang matinong plot. Tapos yung ibang nag-enroll, di naman nagbabasa :3 Sino bang hindi maiinis dun? Kaya ayoko na gumawa pa ng Book 2. Pramis. Ang hirap. Try niyo. Pero kung gustung-gusto niyo talaga ng Book 2, welga kayo. Baka sakaling magbago isip ko. xD O kaya, gawa na lang kayo sariling Academy tapos ienroll niyo sarili niyo dun.

ii. Paano niyo ginawa ang Animazing Academy?
- Dati kasi tong Anime High tapos nabura ko yung mga enrollment forms sa Anime High eh hindi ako mabubuhay nang wala yun kaya binura ko na mismo yung story. Eh maraming nalungkot nang nawala yun tsaka naguiguilty ako kasi nasayang pag-eenroll ng iba dun, tapos di rin naman matutuloy kaya gumawa ulit ako ng bago. At yun nga, doon nagsimula ang Animazing Academy. BOOM!

iii. Bakit niyo agad tinapos ang A.A? - Kasi gusto ko, pake niyo? Joke. Sa totoo lang, gustung-gusto ko na talagang tapusin ang A.A kasi ang hirap niya i-On Hold. Lam niyo yun? Kunwari Chapter 30 natapos ko nung summer tapos biglang madami kaming ginawa nung nagpasukan na hanggang sa nakalimutan ko na ang plot. Kakabisaduhin ko ulit kapag i-uupdate ko na ang Chapter 31. Eh ang hirap nun. T-T Isa pang dahilan, wala pa akong natatapos na novel so tinatry kong tapusin muna ang isa bago magsimula ng panibago. Kasi di pa tapos tong A.A, gumawa na naman ako ng story, edi ayan tuloy. Multi-Tasking sa stories. Nakakalito tuloy. Nahahalo mo na yung ideya mo sa ganitong story sa isa mong story :( Mas maganda nang nakatuon ang pansin mo sa isang story hanggang sa matapos to.

iv. Bakit sa lahat ng Academy na pwede niyong gawin ay isang Anime Academy pa?
- Ganito kasi yan. Di ako mahilig sa Anime. Until I discovered wattpad tapos nadiscover ko yung mga Anime Enrollments. Eh ang cute ng mga form dun sa mga Anime Academies na nakita ko, so nainggit ako at gumawa rin ako. Ayun nga yung Anime High. Pero kapag Anime Academy ang gagawin, diba dapat may alam ka sa mga Anime? Eh alam ko lang nun mga Anime na napapanood sa TV. Nang ginawa ko yung A.A, tiningnan ko mga forms nung mga nag-enroll. Tapos pinanood ko yung mga Anime na nasa form nila until nahilig na ako sa Anime. Yung tipong gusto kong pumunta ng Anime World para makita ang mga favorite characters ko. Ayun. Doon na nagsimula ang Academy ng Anime :3 Wala kayong naintindihan sori.

v. Bakit Animazing Academy pangalan ng Anime Academy niyo? - - Kasi noon, nung nag-iisip pa ako ng ipapalit ko sa Anime High, gusto ko yung pangalan na may Anime. Eh common na yung Anime Academy. So nag-isip ako ng unique. Tapos naisip ko na medyo may pagkatunog yung Amazing at Anime so pinagsama ko yun. Naging Animazing siya. Dinagdagan ko lang ng Academy. xD

vi. Paano niyo nagagawang resolbahin ang mga mysteries dito at paano niyo nagawa ang mga mysteries?
- Sa totoo lang, noong sinimulan ko tong A.A, sulat lang ako nang sulat. Sabi ko, kailangan ng cliffhanger bawat chapters para mabitin sila. So naglagay ako kahit hindi ko alam kung paano ko isosolve ang mystery na yun o yung cliffhanger na yun. Bahala na, yan yung nasa isip ko. Eh nung in-On Hold ko to tapos tinuloy ko, nakalimutan ko na pala yung mga cliffhangers na ginawa ko sa dating mga chapters. Binalikan ko yun tapos inisip ko kung paano ko yun isosolve. Mabuti nga eh naisip ko naman. *sighs*

vii. Who inspired you to write an Anime Academy?
- Maraming magagaling na otors nun. Kung di niyo lang alam. Sumasali ako sa mga Amime Academies nila tapos natutuwa ako sa mga stories nila kaya na-inspire akong ipagpatuloy ang story ko. Pero bigla na lang nawala na parang bula ang Anime Academies nila :( I searched throughout their works pero wala na talaga. Para bang tinamad sila na tapusin yung Academy nila kaya binura nila ito. Nanghihinayang pa naman ako dun. Sana naman di na lang nila binura kung ayaw nila ituloy. No offense V Peace.

viii. Paano niyo ginawa ang mga loveteams?
- Bunutan. Joke. Yung mga readers ko na laging active eh mas sikat ang loveteams at yung mga hindi naman, ayun. Nasa rurok ng ibaba. Tapos magugulat na lang kayo na labtim pala yun. Haha.

ix. Bakit may note kayo kada chapter?
- Eh sa gusto ko eh. You have no pake. Okay?

x. Gagawa po ako ng Anime Academy. Ano pong maipapayo niyo?
- Sige lang. Gumawa ka. Pero wag mong kalilimutang imbitahin ako, paki-PM. Joke. Pero seryoso na. Ipagpatuloy mo lang yan. Wag kang susuko dahil ayaw mo nang ituloy. Tapusin mo ang sinimulan mo. Marami ang manghihinayang na nag-enroll sa Academy mo kung di mo naman pala tatapusin. Tsaka enjoy. Enjoy lang sa pagsulat para mag-enjoy din ang nagbabasa.

xi. Ayos lang po bang gumawa ng FanFic tungkol dito?
- Malaya kang gawin ang gusto mo. Kung gusto mo ngang gumawa ng Canon Pairing ni Haruto at Kenji. Ayos lang. Kung gusto mo ngang pagpapatayin ang mga characters ng A.A sa fanfic mo, ayos lang din. Pero sabihan mo ko nang mai-add ko sa lib at RL ko. Ivovote ko pa yan at pupunuin ng comment. ;)

xii. Gagawa pa po ba kayo ng extra chapters gaya ng Random Facebook Posts?
- Depende sa akin. Pag trip ko, maglalagay ako. Pero pag hindi, wag na magpumilit. Okie.

Okay. So yun lang muna yung mga tanong na trip kong sagutan. Kung may mga tanong pa kayo tungkol sa A.A na hindi ko nasabi dito, uso comment sa baba.

So...ito na ang huling pamamaalam ko sa inyo A.A students at readers? Iyak na tayo? Huhu T-T Tapos na ang A.A waaaaah! XD

Pero wag kayong malungkot. Andito pa rin naman ang A.A eh. Di ko naman buburahin to no. Pwede niyo nga itong basahin nang paulit-ulit kung gusto niyo ehh.

Thank You sa mga readers at students na nagbasa at sumubaybay ng A.A till the end! Maraming maraming thank you talaga! Kung hindi dahil sa inyo, hindi magkakaroon ng pagkadami-daming reads, comments at votes ang A.A. So Thank You Talaga! *hugs you*

Just remember this guys.

Animazing Academy will still be an Animazing Academy.

Bye! And see you soon readers and students!

Love Lots!

HAPPY INDEPENDENCE DAY! GIFT KO ANG ENDING NA TO PARA SA INYO.

- Kat-chan :)


Animazing AcademyWhere stories live. Discover now