Chapter 25

584 33 17
                                    

Childie's P.O.V

“Ano Kuya? Tapusin na ba natin to?”

Nagcross-arms si Kuya at tiningnan muna nang maigi ang lalaki.

“Ikaw na kaya tumapos sa kanya Childie?”

Ngumiti ako kay Kuya, “Thanks Kuya”

Kung hindi niyo pa po alam, isa po akong gangster pati na rin ang kuya ko. Namatay na ang mga parents namin kaya kami na lang dalawa ang bumubuhay sa mga sarili namin.

At ang nangyayari sa ngayon, itong lalaking ito ay naghamon sa amin ng away kaya pinagbigyan namin siya.

“Tama na! Tama na po! Parang awa niyo na!” pagmamakaawa ng lalaki samin.

Nakaluhod siya sa harap ko at bugbog-sarado na ang katawan niya.

Sinabunutan ko siya, “Haha. Nasaan na ang tapang mo ngayon?”

“Hindi na. Hindi na po ito mauulit” halos maiyak-iyak na niyang sabi.

“Sandali lang Childie” pagpigil sakin ni Kuya.

Tinanggal ko ang pagkakasabunot dun sa lalaki at si Kuya naman ang lumapit sa kanya.

Tinanong siya ni Kuya, “Sino ang nag-utos sayo na gawin to?”

“Utos? W-Wa-Wala po!” nangangatal niyang sagot.

Tiningnan ako ni Kuya, “Ituloy mo na Childie”

Natatarantang sumagot ang lalaki, “T-Te-Teka lang po! Sasabihin ko na po!”

Sinenyasan ako ni Kuya na huminto sa gagawin ko at lumingon ulit siya dun sa lalaki, “Sino?”

Tumungo ang lalaki, “Si....”

“Ako”

Bigla kaming nakarinig ng ibang boses at napatingin sa likod nung lalaking nakaluhod sa harapan namin.

Imposible. Bakit siya andito?

Napalingon ang lalaki sa kanya, “Boss!”

Pumunta ang lalaki sa kanya at nagtago sa likod niya.

Boss? Siya? Paano?

Nagtataka si Kuya sa reaksyon namin nung Boss tsaka ako.

“Childie” ang tanging sagot nung Boss.

Nagtatakang nagtanong sakin si Kuya, “Kilala mo siya?”

Unti-unti akong napalingon kay Kuya, “Oo Kuya. Kaklase ko siya”

Nag-iba ang aura ng mukha ni Kuya. Ni siya nga rin ay hindi makapaniwala.

Nabigla ako nang sirain nung Boss na kaklase ko ang katahimikang bumabalot samin.

Ngumisi siya, “Di ako makapaniwalang makikita kita dito Childie. At ang mas malala pa dun, di ako makapaniwalang isang gangster ka”

"B-Bo-Boss?" nagtataka ring tanong nungkasama niya.

Tumalikod na siya samin, "Pasensya na, di ako napatol sa babae"

Nagsimula na silang maglakad papalayo.

Anudaw? Ang kapal ng mukha niya ah. Porket babae ako? Ano bang tingin niya sakin? Mahina?

Hinabol ko siya at hinawakan sa balikat niya. Iniharap ko siya sakin at binigyan ng isang suntok sa mukha.

Napadapa siya pero tumayo na rin naman siya agad. Pinunasan niya ang dugong nanggaling sa bibig niya na mula sa pagkakasuntok ko.

"Hoy para sabihin ko sayo! Kaya rin ng mga babae ang ginagawa niyo!"

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now