Chapter 26.5 - The 20 Facts about the Crazy Author of this Book

496 32 36
                                    

Pinapaalala ko lang po...hindi ito Special Chapter ng AA or kung anumang may kinalaman sa AA. May nag-tag kasi sakin na gumawa ng challenge na ito tapos inaccept ko. 

So...here are the 20 facts about me... :)))

1. Tahimik akong tao. Pramis. Tanong niyo pa sa classmates ko. Gusto na nga nila tahiin bibig ko eh. xD Wala lang. Ayoko kasi ng maingay na atmosphere tapos di ko feel magsalita lalo na kapag di ako relate sa topic nila. Basta, I'm a quiet type of person sa personal. Maingay lang ako sa watty. >.

2. May MISDIRECTION akoooo! Haha. Oo. Taglay ko yun. Yung kay Kuroko? Lam niyo na. Di namamalayan nung mga tao na nasa tabi na nila ako tapos bigla silang magugulat pag nakita ako at sasabihing, "KANINA KA PA DYAN?!?!?! O_____O"

3. Mahilig ako tumitig sa mga tao. Ayown. Tinititigan ko lang sila. Maybe they feel awkward about it but I don't care. Habit ko na yun eh.

4. Nung bata pa ako, gusto ko na talagang maging isang boy. Oo, ganun ako. Astig kasi maging lalaki. Pero nagbago na rin yun nung may nagsabi sakin na, "Tanggapin mo kung ano ka dahil yan yung ipinagkaloob sayo ng Diyos?" Ang lalim no? xD

5. I AM NOT GOOD IN GRAMMAR. Actually, ang baba lagi ng grade ko sa English at mabaga ako magbasa ng English Novels or English Stories or kahit anong mga babasahin na English. Nasanay na ako sa Filipino. Yun kasi gamit namin sa bahay. Kaya wag na kayong umasa na makakagawa ako ng English Book. Muwahahah!

6. So...mahilig nga ako sa Anime. Kaya nga nagawa ko tong Academy na to diba? Nalaman ko yung Anime dahil sa bestfriend ko na Otaku. May magazine siya na dala nun and take note, it's Otakuzine. Nagandahan ako dun sa mga creatures na nakapaloob dun at dun ko lang nalaman na Anime pala ang mga tawag dun sa mga yun na napapanood ko minsan sa TV. Nakita ko dun sa mgazine yung anime na Hourou Musuko or Wondering Son. Eh dahil sa bata pa ako nun at alam niyo naman ang decription ko sa sarili ko nun na nakapaloob sa No.4 fact, pinanood ko yun...sa youtube dahil wala pa akong kaalam-alam nun sa mga Anime Sites. Trailers lang at sneak peeks tuloy napapanood ko. Ah. Kung tinatanong nyo kung tungkol san yun, tungkol lang naman sa tomboy at bakla na parang na-inlove sa isa't isa. Basta, something na ganun.

7. Nalaman ko naman tong watty dahil sa friend ko na nagwawatty. Kinukuwento nya lahat sakin ng stories nya kaya naisipan kong gumawa rin ng watty. Nung mga panahong yun, nagbabasa ako ng Manga ng Hana Yori Dango and then, nainspired ako sa Manga na yun kaya nagawa ko ang first story ko which is LMG. May pagkakatulad din sila ng Hana Yori Dango kasi about Gang pero iniba ko yung plot. Kung tinatanong nyo naman kung san galing tong AA, pinangpalit ko lang siya dun sa naburang Anime Academy ko na isa na ang name ay Anime High. Nabura ko kasi yung Enrollees kaya pinalitan ko ng AA. Nainspire ako sa ibang Anime Academies kaya nagawa ko yung Anime High then baka magalit yung enrollees saken kasi binura ko yung Anime High kaya gumawa ako ng bago at eto nga yon, ang AA.

8. Actually, walang lovelife yung author. Haha. Kelangan pa ba yun? Food is my lovelife. Charot XD Pero nagtataka ba kayo kung baket mahilig akong gumawa ng Romance? Naiinspire kasi ako nung mga Romance na watty books tapos yung mga Anime na Reverse Harem tsaka Manga na Romance tapos batay rin dun sa naoobserve ko araw-araw. Kung may makita man akong naghahalikan sa kalsada, isusulat ko yun. De, joke lang po. Di ako ganun no. XD Pero nagkacrush ako. Kilala ko pa nga yung mga crush ko simula kinder hanggang ngayon. Sa ngayon, dalawa crush ko. Isa, schoolmate tapos yung isa, kapitbahay. Pero wag niyong asahan na mahilig ako sa gwapo. Ayoko sa mga gwapo. Kahit puro gwapong lalaki yung mga sinusulat ko sa stories ko. :3 Srsly, di tumatama yung mga charisma ng gwapo saken. Type ko kasi, maganda boses na lalaki tapos laging nag-eexplain na napakahaba kahit hindi maintindihan. Haha. Wala na. Lam niyu na. Ssshhh lang kayo ah.

9. Gaya nga ng sabi ng fact No.8, food is my lovelife. Muwahahah! Yeah. I love food! Pero...it depends. Mahilig ako sa DONUTS and STIK-O. Walang araw na hindi ako kumakain nun. Mahilig rin ako sa EGG with Magic Sarap. Gusto ko ngang lagi na ulam yun eh. Paborito ko talaga yun. Mahilig rin ako sa BANANAS. Ooh. Minions. Ba~Ba~Ba~BaBa~Nana~

10. Di ako magaling sumayaw T^T. All this time ay praktis ako nang prakits...Uwaaah! May uniform na ko! Naaay, bakeeet? XD Pero seryoso, di talaga ako magaling kumembot or whatsoever. Nagagalit palagi classmates ko saken kapag groupings namin ay sayaw kaya dun lang ako sa likod. Wala, matigas katawan ko eh. 

11. Di man ako magaling sumayaw...magaling naman ako kumanta! Muwahahahah! Tuwing birthday ko, I'm always wishing for a Videoke in our house, at dun lang ako magkakakanta buong araw. Kaya paos kinabukasan XD Nung graduation ko nung elementary, nagwish rin ako ng videoke at yun, ginrant naman ng parents ko dahil nag-uwi ako ng 6 medals sa kanila. Tapos, sunud-sunod yung 100 ko. Sabi pa nga nung crush ko, "Sinwerte ka lang dahil graduation mo" Alam mo ba yung feeling na sinabihan ka ng ganon tapos yung mismong crush mo pa nagsabi nun? Nainis tuloy ako sa kanya nun. Sorry naman ah, nahiya naman ako sa boses niya na di ko pa naririnig.

12. Mahilig rin ako sa Vocaloids. And one of my favorite there is Gumi Megpoid! Ang cute niya kaseeee. This year lang ako nahilig sa Vocaloid. Nalaman ko lang siya sa mga kapwa Otaku. Gusto ko rin dun si Megurine Luka! She's so beautiful! Sa lahat ng songs ng Vocaloid, nagustuhan ko yung Reboot. Try niyo iwatch sa mga di pa nakakapanood. Hahah. Nagpromote eh. 

13. I love everything about Japan. Marinig ko lang yung word na, "Japan". I'll scream like there's no tomorrow! Heheheh. Buti nga may subject kami na Japanese. 

14. Masipag ako pero di matalino. Gets? Kapag may assignment, project, seatworks, etc. ay ginagawa ko agad. Pero kapag quiz na or periodical or summative, okay lang naman din pero during test na, kinakabahan ako palagi na dahilan upang di ko maalala nang maayos nireview ko. I hate that tho.

15. I always dreamed na maging isang Mind Reader ako or a Spy. Ang astig kasi nun. Sa mind reader kase, nalalaman mo yung iniisip ng tao tapos pag binabasa mo yun sa kanila, yung bang tipong magugulat sila. Tapos sa Spy, parang may secret mission ka. Basta, I find it cool~

16. Tamad ako. Kaya nga minsan, di ako makapag-update kasi tinatamad talaga ako. Sa bahay rin, tamad ako kaya napapagalitan palagi pati na rin sa school. May grup work nga kami kanina, di ako pumunta. Huhu. Sori na T^T

17. I love Kagami Taiga. Kaya walang aagaw sa kanya kundi sasapakin ko. Asawa ko yun ehhh... XD

18. Mahilig ako sa BLUE and BLACK. Halos lahat ng gamit ko, ganun kulay.

19. Ako yung tipo ng tao na hindi madaling mapaiyak. Para saken kase, ang mga problema ay hind8 dinadaan sa pag-iyak. Dapat gawan mo nang paraan yun. Ako rin yung tipo ng tao na mahirap takutin pero madaling magulat.

20. I Love God. I believe in him. Sa paglalakbay ng buhay ko, lagi siyang andyan kaya mahal na mahal ko yan. Siyarin yung takbuhan ko or yung Diary ko.

And that's all the 20 facts about me! Masyadong mahaba diba? Hehe. Masyadong emosyonal yung otor niyo. Pagmay time kayo, pabasa ng ibang stories ko. Promote lang. Hehe.

Si Fan-chan nag-tag sakin. Username niya ---> @NotAnotherFantasy. Hi Fan-chan! XD

Mamaya magtatag ako ng mga people dyan sa Comment Box para gumawa rin ng challenge. Kaya maghanda-handa kayo people! Muwahahahah! XD

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now