Chapter 39

369 26 8
                                    

Kathy's P.O.V

"Gumising ka..."

Nagising ako dahil sa pamilyar na boses na yun.

Napaupo ako bigla nang makita ko siya...

Siya yung babae na nagligtas sakin dati sa isang Anti-Otaku na gusto akong saktan.

Yung babaeng may blue na buhok na nakapigtails at maskara.

"I...Kaw..."

"Kathy, ayos ka lang?"

Napalingon ako sa likod ko nang marinig ko si Chizuru. Papalapit na siya sakin.

Napatayo ako at humarap sa kanya, "Chizuru, anong nangyayari?"

Hindi nakapagsalita si Chizuru. Napayuko siya.

"Chizuru..."

Nakayuko pa rin siya. Hanggang sa sagutin na niya ang tanong ko, "Ang Anime World..."

Oo nga pala.

Yung mga plano ni Otoko na sirain ang Anime World...

Napatingin ako sa paligid ko. Ang mga 1-A ay nasa likod ni Chizuru.

Nasa likod ko naman...

...ang babaeng nagligtas sakin nun at...

...may mga kasama siyang nakamaskara din tulad niya?

Tumingin-tingin pa ako sa paligid.

Imposible...

...ang mga nakikita ko.

Oo. Nakauwi na kami sa real world at sa school namin pero...

...ang mga Anime Characters na naging kauri namin ay...

...nasa mundo na namin ngayon...

...at sinisira ito.

May mga nagsisigawang mga tao dahil sa nangyayari.

Naghalo-halo kasi ang mga Anime Characters sa World namin. May mga Titan, Ghoul, Ordinaryong Tao, Monsters, Wizards at iba pa na nakikita lang sa Anime. Hindi nawala ang kapangyarihan nila sa World namin. Nag-aaway away pa silang lahat na dahilan upang ma-confuse at magulat ang mga tao kung anong ginagawa ng mga ganitong nilalang sa mundo ng mga tao.

Sinampal ko ang sarili ko.

Hindi nga ako nananaginip.

Pero kung totoo ang lahat ng nakikita ko, paano napunta sa puntong ganito ang mangyayari?

Ang mga sinabi ni Otoko...

...Ibig sabihin, ang plano nilang sirain ang Anime World...

...Ay dahilan para masira ang real world...

May tumapik sa balikat ko. Napatingin ako sa tumapik. Siya yung babaeng nagligtas sakin, "Kathy, tulungan niyo sana kami na ibalik sa tamang kalagyan nila ang mga nilalang na to. Alam kong kayo lang ang makakatulong samin. Sinabi ko na sayo dati noong niligtas kita na para akong superhero diba? Ganun din ang mga kasama ko ngayon. Ginagawa namin ang lahat para magkaroon tayo ng payapang mundo. Pero dahil sa mga nilalang na yan, nagkagulo muli ang lahat. Kaya tulungan niyo sana kami. Hindi ba mga Anime sila? Pinapahalagahan niyo sila? Ganun rin ang mga mahal ninyo sa buhay diba? Humihingi kami ng tulong sa inyo ngayon. Hindi lang to para sa mga sarili niyo kundi para rin ito sa kapakanan ng kapwa niyo tao at ng Anime na minamahal ninyo. Kayo lang ang makakatulong samin sa pagpapanatili ng kaayusan dahil kayo lang ang may alam tungkol sa mga nilalang na ito. Kaya sana eh, tulungan niyo kami"

Ang mga sinasabi niyang kasama eh yung mga nakamaskara din na nasa likod niya. Yumuko sila sa aming 1-A.

"Tutulungan namin kayo"

Animazing AcademyDove le storie prendono vita. Scoprilo ora