Chapter 2

4K 97 45
                                    

Kathy's P.O.V

"DOON DIN YUNG KLASE NAMIN!"

Nag-collapse bigla si Ashe.

Hala! Parang magiging classmates lang kami tapos mahihimatay na. Ang arte talaga nito. Ganun ba talaga kami kapangit kaya ayaw niya sa'min? Magpapakita na lang ako sa panaginip niya bilang diyosa. Hindi naman kasi ako pangit dahil mas maganda ako sa kanila. Ang kapal talaga ng mukha ko. Kasingkapal nung Manga na hanggang Volume 1000. Meron ba nun?

Kinarga ni Rikka yung half ng body ni Ashe, "Dalhin natin siya sa Clinic,"

Nagreklamo naman si Christine, "Ang arte naman niya. Nalaman lang na Classmates tayo,"

Dumagdag pa itong si Kuro, "Haha. Baka nalaman niyang classmate ka niya Christine kaya siya nahimatay,"

Nataranta si Rikka, "Hindi. Hindi niyo kasi naiintindihan. May collapsing desease siya. Kapag may naamoy siyang amoy kape ay nahihimatay siya,"

"Paano mo yun nalaman?" tanong ko.

Binatukan ako ni Chizuru, "Ano ka ba Kathy? Siyempre, bestfriend niya 'yan. Ikaw nga, alam ko yung tatak ng underwear mo. Siya pa kaya?"

Nagtawanan ang lahat. Nako! Bestfriend ko tapos nagpapahiya pero mahal ko pa rin iyan kahit anti 'yan sakin.

"E alam mo ba kung ilan na yung batok mo sa bestfriend mo? Simula nung 1 year old pa lang tayo ay binabatukan mo na kaya ako," biro ko.

Nagbilang siya, "4, 578...ah, pang- 4, 579 na 'to."

"Weh Chizuru, alam mo talaga?"

Binatukan niya ulit ako, "Sa tingin mo ba ay marunong na akong magbilang nung 1 year old pa tayo?"

"Pang 4, 580 na 'to Chizuru." Bakit ba kasi niya habit ang mangbatok? T__T

Sumabat naman si Aika, "Rikka, 'di ba nasabi mo kanina na nahihimatay siya 'pag nakaamoy ng amoy kape? 'Di ba ang kape ay pampagising?"

Tumawa naman si Christine, "Ahahah. Oo nga ano? Genius ka talaga Aika,"

Sinagot siya ni Rikka, "Hindi ko rin alam. Namana niya ata sa parents niya,"

"So saan galing yung amoy kape?" pagtataka ko.

Sumabat si Kuro, "Baka kilikili ni Christine yung amoy kape kaya nahimatay!"

Tapos tumawa siya. Natawa rin kaming lahat dun except kay Christine.

"Gusto mong masabunutan?" inis na saad ni Christine sa kanya.

"Baka ako pa ang manabunot niyang buhok sa kilikili mo Christian." Napatigil kami nang narinig namin yung boses at tiningnan namin kung sino ang may-ari nito. Nang makalapit siya ay parang amoy kape siya. So sa kanya pala nanggaling yung amoy? Nakainom ata 'to ng napakaraming kape.

Sumigaw si Christine, "Takbo!"

Takbo?

Tumakbo si Christine kaso naabutan siya at piningot ng girl na tumawag sa name niya.

"Sino siya Christine?" tanong ni Aika.

Nagpakilala yung girl habang hawak-hawak pa rin yung tenga ni Christine na aray na aray, "I am Takahashi Iku. Ang kababata ni Christian,"

"Kababata?!" gulat na sigaw naming lahat.

"E bakit mo siya pinipingot? Tsaka, bakit ka niya iniiwasan kanina?" tanong ni Chizuru.

Animazing AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon