Chapter 11

1.3K 50 116
                                    

Red's P.O.V

Sumakay na kami sa kotse na sinabi ni Otoko. Sabi daw ng driver samin ay ihahatid na lang daw agad kami sa bahay nung sinungaling na yun. 


Umaandar na ang kotse.


Kailangan namin talagang mag-usap. Kailangan niyang pagbayaran ang ginawa niya samin pati na ng mga alila niya. 


Galit na galit kaming apat sa kanya. Alam niyo kung bakit? Niloko niya kami.


Kaming apat ay mga Otaku. Pangarap namin na makapasok sa Anime World. Hanggang sa nakilala namin si Otoko Fukushu. Pinaniwala niya kami na isa siyang Otaku at sinabi samin na merong Anime World. Kailangan lang daw namin siyang tulungan para mahanap iyon at kapag nahanap namin ay matutupad ang pangarap naming makapasok dito. Tinulungan namin siya. Nagkasundo kami na hanapin ang Anime World. Hanggang sa nalaman namin kung nasaan ito at kung paano ito buksan at sinabi namin ang lahat ng iyon sa kanya.


Pero nalaman namin ang lahat ng plano niya matapos namin sabihin kung nasaan ito at kung paano ito bubuksan. Balak niyang sirain ang Anime World. Pinagmukha niya kaming tanga. Pinagmukha niya kaming Anti-Otaku na tulad niya. Sising-sisi ako sa sarili ko. Nagawa kong sirain ang sarili kong pangarap nang dahil sa kanya.


Ipapakilala ko sa inyo ang apat na lalaking niloko niya. Unang-una, si Laoshi Itzuya. Si Laoshi ay may dark violet hair. Siya yung taong misteryoso pero siya ang taong nareresolba ang mga misteryo.


Pangalawa, si Shin Oh. Si Shin ay may black na may halong red na buhok. Si Shin naman ang taong cold at nakakatakot pero alam niya agad ang iniisip ng mga tao. Minsan ay seryoso siya pero minsan ay nagbibiro lang.


Pangatlo, si Naoto Shishimaru. Si Naoto naman ang may brown hair samin. Bad Boy na leader ng isang banda. 


At panghuli, ako. Ako si Rathy Red Rocoisawa. Mix color ng red at pink at buhok ko pero mas nakakaangat ang red dito. Makulit minsan pero matalino ako.


"Red, kilala mo yung isa sa mga na-kidnap ni Fukushu?" tanong sa'kin ni Naoto.


Napatingin ako sa kanya, "Sino?"


"Yung tumawag sayo ng R-E-D" dagdag pa niya.


Nag-isip isip ako hanggang sa naalala ko na, "Ah. Si Haruto. Childhood Friend ko"


"Childhood Friend?" tanong naman ni Laoshi.


"Oo. Nagulat nga ako nang nagkita ulit kami. Ang tagal na rin kasi naming di nagkita pero naaalala ko pa rin ang mukha niya kaya nakilala ko siya agad kanina. Nagkahiwalay kami nung elementary dahil nag-iba siya ng School" sagot ko.


"Ah" sabay-sabay nilang sagot.


Tiningnan ko ang bintana. Madilim sa labas at walang katao-tao. Parang hindi na ata kalsada ang pinagbibiyahe-an namin.

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now