Chapter 4

2.3K 67 44
                                    

Kathy's P.O.V

Inaantok na ako. Bakit wala pang klase?


Oo nga pala, nagkagulo sa tapat ng room namin tapos yung dalawang classmates pa namin ang napasali dun. Tsismis ko ulit na magaling na daw yung dalawa kaso pinauwi na sila para tuluyan ang pagkakagaling nila.


Ano bang gagawin ko? Wala naman akong magawa. May kanya-kanya ring ginagawa ang iba.


Wala pa rin si Christine tsaka si Takahashi. Ano na kayang nangyari sa mga yun? Baka nasagasaan na ng tren. Haha, ang harsh ko naman.


Si Chizuru ay nagdodrowing ng Chibi. Sabi niya, idodrowing niya raw ako tsaka siya. Isip-bata talaga oh.


Si Ashe ay natutulog.


Si Aika ay may kung anong isinusulat. Nag-cocompose ata siya dahil may mga nota dun sa pinagsusulatan niya. Wow naman. Di ako marunong mag-compose eh.


Si Kuro ay tumutugtog ng piano kasama si Rikka. Ang galing nila ha, dalawa yung kamay na ginagamit nila. Kamay ni Kuro at ni Rikka. Para bang bineblend lang nila sa isa't isa yung tugtugin. Ang ganda nung song na tinutugtog nila. Nakakaginhawa sa pakiramdam.


Si Yuuki naman ang tagakanta kasama si Fantasy. Infairness, ang gaganda ng boses nila na sumasabay sa Piano.


Nagtsitsismisan naman dun sila Gumi, Nachu at Sayuri sa isang sulok. Ewan ko kung nag-uusap ba talaga sila or yung cellphone nila yung kausap nila.


Si Akira ay natutulog pa rin malayo sa'min. Ayaw niya talaga sa'min. Hindi naman namin siya pinipilit noh.


Si Childie ay lumabas. Kasama niya si Katelyn.


Si Kuroi, binabasa pa rin yung kanyang Fan Fiction Book.


Si Yukiko naman ay nag-aaral na agad para sa Pre-Test namin bukas. Nako! Pre-Test lang naman yun eh. Di na mahalaga score dun. Masyadong grade conscious itong babaeng ito. Tsk. Tsk.


Si Miru? Ayun. Kumakain ng chicken nuggets. Kanina chicken, tapos ngayon naman ay chicken nuggets. Bibilhan ko talaga siya bukas ng noodles! Yung chicken noodles!


Tapos si Minami ay kumakanta mag-isa.


Ang boring. Wala akong magawa. Ang ingay pa sa classroom.


Biglang nag-ilaw ang light bulb sa utak ko. TING!


Hanapin ko kaya yung passageway ng Anime World. Pero...


Saan ba ako magsisimula?!


Oh Kami-Sama! Sana ay ituro mo sa akin ang daan papunta sa mundong iyan!


"Yey! Naidrowing na kita Kathy!" masayang sabi ni Chizuru sa'kin.


Animazing AcademyWhere stories live. Discover now