Chapter 42

293 23 23
                                    

Aizen's P.O.V

Kasama ko ngayon sina Laoshi at Juka-senpai. Well, Juka-senpai has a Dark Brown long hair. She is a she if you ever asked.

However, she is cold.

Nabunggo ako sa kung ano.

Dahil dito, napatingin ako sa nabunggo ko.

Si...

Kung hindi ako nagkakamali, si Mirai Kuriyama ng Kyoukai no Kanata ang nabunggo ko...

Na-realize ni Mirai na may nabunggo siya.

"Ah... Ahe... Sorry. Sorry. Sorry. SORRY! " pagsosorry niya sakin.

"Hi-Hindi! Hindi mo sinasadya! Ayos lang!" sagot ko naman.

"Sorry talaga - 3-"

Ang cute niya naman pag nag-sosorry.

"Oh. It seems... that you are Mirai..."

Napatingin ako kay Laoshi na nagsalita.

Ngumiti lang siya nang nakakaloko sakin.

Napakamisteryoso talaga ng taong to.

"Ah sige. Una na ko. Uhm..."

Napansin ko na mukhang may hinahanap siya.

"May problema ba?" tanong ko.

"Ah! Hi- Wa-Wala kasi ano... Uhm. May nakita ba kayong uhm... Ah! Ang ibig kong sabihin... Pano mo nalaman ang pangalan ko?!" sabay turo niya kay Laoshi.

"Hindi na mahalaga yun...Mirai-chan. May hinahanap ka...hindi ba?" sabay grin naman ni Laoshi.

"E-Eh? Uhm..." Yumuko si Mirai matapos sabihin ito at pinaglaruan niya ang mga daliri niya, "Di ko alam kung sino kayo pero sana matulungan niyo ko. Ano, hinahanap ko kasi-"

"RRRRRRRROOOOOOOOAAAAAAAAR"

Ang boses na yun.

Napaharap bigla si Mirai kung saan nanggagaling ang boses na yun.

Ganun na din kami.

Tama nga ang hinala ko. Si Akihito Kanbara... na isang youmu ngayon.

Sa totoo lang, mabait si Akihito pero minsan ay di niya makontrol ang youmu na nasa katawan niya kaya kung titingnan ay parang masamang monster siya.

"Se-Senpai!" gulat na sabi ni Mirai sa youmu na si Akihito sa harap niya at dahilan ito upang tanggalin ni Mirai ang bandage niya sa kamay at maglabas ng dugo niya mula sa sugat nito na nagiging weapon.

Ang weapon na iyon ang siyang magsisilbi na pampatay sa mga youmu.

Nanginginig ang mga kamay ni Mirai habang hawak-hawak niya gamit ng dalawang kamay ang kanyang weapon na galing mismo sa kanyang dugo.

Bumulong siya pero rinig ko, "Senpai, di kita gustong patayin pero..."

Wag niyang sasabihin na...

...gagamitin niya ang weapon niya kay Akihito?

"RRRRRRROOOOOOOOAAAAAARR"

Tch.

Pinuntahan ko si Juka-senpai at binulungan, "Juka-senpai, pwede niyo po bang pigilan ang mukhang halimaw na yon nang hindi siya namamatay?"

Tumingin lang sakin si Juka-senpai na confused.

Mukhang hindi niya naintindihan kaya dinagdagan ko ang sinabi ko, "Parang sinapian yung taong yun ng kung anong nilalang kaya bayolente siya"

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now