Chapter 26

551 41 17
                                    

Yukiko's P.O.V

Nagpagulong-gulong ako sa aking futon.

Bakit di mawala sa isip ko yung sinabi ni Laoshi?

Wag niyang sabihin na may alam na siya dun sa fake date kaya niyaya niya na agad ako sa isang date kahit hindi pa inaanounce yung fake date na yan?

Naalala niyo po ba yung pagyaya niya sakin sa date bago pa namin malaman yung fake date na yan? If ever po na hindi niyo maalala, kayo na po may alzheimer's disease. =__=

*flashback*

"Ah. Yun ba? Bayaan mo na yun. Yan lang talaga ang nararapat sa mga tangang holdapers. Dapat nag-snatch na lang sila. Mga idiot talaga. Anyway, hatid na kita sa bahay niyo. Wag kang umangal. Ang daming gumagala dito pag gabi. Baka maulit pa ulit yung nangyari kanina"

"H-Huh? Ihahatid? Pero malapit na rin naman yung bahay ko. Ilang metro na lang yun mula dito"

"Diba sabi ko wag kang umangal? Tsaka, eto na rin yung kapalit nung ginawa ko" seryoso niyang sabi.

Teka. Kapalit ng ginawa niya? Eto? Eh parang dinadagdagan niya lang utang na loob ko sa kanya eh.

"Iniisip mo bang hindi ito pwedeng kapalit nung ginawa ko sayo? Iniisip mo bang dinadagdagan ko lang yung utang na loob mo sakin?" sabi niya.

"Teka-" di ko pa natatapos ay nagsalita na siya.

"Iniisip mo kung pano ko nalaman?"

Mind reader ba siya? O sige. Ikaw na po.

"O sige. Ako na lang magsasalita. Sabi mo eh. Sige. Dahil sa ginawa kong pagligtas sayo kanina at paghatid sayo pag-uwi mo, bibigyan mo ako ng kapalit" 

"Ano-"

"Anong kapalit? Simple lang"

"Si-"

"Anong simple? Ganito. Are you free this saturday?"

"Ka-"

"Sinasabi ko na bang di mo sure eh"

Naiinis na ko dito ha. Oo na. Siya na talaga nakakabasa ng isip ko. 

"Naiinis ka na ba sakin?" tanong niya sakin.

"Diyan ka na nga! Ang hirap mo kausap Pre!" sagot ko tapos aalis na sana kaso pinigilan niya ako braso ko.

"Wait. Pano yung kapalit?"

Napalingon ako sa kanya, "Pwede bang diretsuhin mo na lang nang makauwi na ako?"

"Okay. Pumunta ka sa Comic Alley sa Mall sa Saturday. Mga 12 pm. I'll wait for you there. wag mo kong paghintayin"

*end of flashback*

O ayan na po. Naalala niyo na po ba? Sa Comic Alley daw. Dun daw kami magkikita.

Hala. Ano susuotin ko? Ano gagawin ko bukas?

Ang sakit na ng ulo ko kakaisip. Makanood nga muna ako ng Kimi ni Todoke para mawala na yung bagay na yan sa isip ko. - 3-

Bahala na si Naruto bukas!

Minami's P.O.V

Ang sarap namang magbasa. Lalala. Nagbabasa ako ng Nisekoi na Manga ngayon sa library. Kasi tahimik dito. Bow.

"Miss, Nisekoi ba yang binabasa mo?"

Nabigla ako nang nakarinig ako ng pamilyar na boses. Ibinaba ko ang libro ko. At tumingin sa taong umupo sa tabi ko na pinanggalingan ng boses na iyon.

"Hinde. Hindi kasi halata Shin no? Fairytail binabasa ko eh. Kaya nga nakalagay sa title ay Nisekoi" sarcastic kong sinabi.

"Hahaha. I see"

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now