Chapter 9

1.3K 49 23
                                    

Kuro's P.O.V

Hindi pa rin kami nakakaalis ng classroom.


"Kailan natin balak umalis dito?" tanong ko.


Tumayo siya, "Sige. Tara na"


"Tara na?"


"Ihahatid na kita sa inyo"


"I-Ihahatid?! Kaya ko namang mag-isa kaya-"


"Kapag nakita ka nilang mag-isa, kikidnapin ka nila. Alam na nila kung sino tayong mga Otakus"


"Kikidnapin? Ano ba iyang mga pinagsasabi mo?"


"Sinabi ko na sa'yo. Kilala ko ang isa sa kanila"


"Kilala? Te-teka, wala akong maintindihan. Yung Anti-Otaku ba yung sinasabi mo?"


"Oo. Hindi lang siya nag-iisa. Marami sila. Pero ang isa sa kanila ay kilala ko gaya nga nang sinabi ko. Alam na nila ang tungkol sa Anime World noon pa man. Alam na rin nila kung paano buksan ito at ito ay sa pamamagitan nating lahat. Balak nilang sirain ang Anime World. Alam kong nakita nila ito kahapon noong pumunta tayo sa HYOUKA. Hindi ko alam kung anong istratehiya ang gagawin nila. Pero narinig ko kahapon na kikidnapin nila tayo para magawa ang binabalak nila"


"Wala pa rin akong maintindihan sa sinasabi mo. Mga Anti-Otakus?"


"Ganito. Ang mga Anti-Otakus ay ang mga taong ayaw sa Anime. Ayaw nila sa Anime dahil ang bawat isa sa kanila ay nasira ang buhay dahil sa mga Animes. Ngayon, nang nalaman nila ang tungkol sa Anime World ay balak nilang sirain ito para makapaghiganti. Nagkalat ang mga espiya nila sa mga Anime Academies. Habang naglalakad ako sa isang kalsada kahapon, may narinig akong mga nag-uusap at nakita ko dito si Echo"


"Echo? Sino naman yun?"


"Siya ang anak ng tatay ko sa labas. Malaki ang pagkakahawig namin sa isa't isa. Pero minsan ko lang siya makausap dahil magkalayo kami sa isa't isa at hindi siya lumalapit sa akin o kay Dad. Nakita ko lang siya noong bata pa ako pero isang beses lang. Nang makita ko siya kahapon na may mga kausap, sinubukan kong makinig sa usapan nila"


"Ano raw ang sinabi nila?"


"Nakita ng isa sa espiya nila na nananatili pa tayo sa room nang mga bandang uwian na kaya nagtaka ito. Sinubukan niyang magmasid sa room at nakita niya ang lahat nang ginawa natin. Nagbalak sila ng istratehiya para makapasok sa Anime World at doon nila ito sisirain. Di ko narinig ang ibang detalye dahil medyo mahina pero may narinig akong salitang kidnapping kaya hindi na ako magtataka na baka kidnapin nila tayong lahat"


"Hindi ako makapaniwala. Totoo ba iyang mga sinasabi mo?"


"Seryoso ako"


Tumingin ako sa mga mata ni Eian. Napakaseryoso nga ng mga ito.

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now