Chapter 3

2.9K 77 45
                                    

Kathy's P.O.V

"Sabihin mo na Akira!" sabi naming lahat.

"Bakit ba ang kukulit niyo? Sabing bukas nga, paglaki ko."

"Bukas ay lalaki ka agad?" sabi naman ni Sayuri.

"Hindi. Babae ako,"

Dahil ata sa irita niya sa'min ay tumayo siya at lumipat ng upuan. Pabitin naman 'to. Paano niya nalaman na merong Anime World?

Pwes, ako ang maghahanap sa mundong 'yan! Buwahahahah!!!

Akira's P.O.V

Ang kulit! Wala akong alam sa Anime World na 'yan! Kaya nga ako pumunta sa Academy na 'to para hanapin yun. Ang detail lang na alam ko ay may Anime World tapos di pa sure kung meron nga talaga. Bakit ba ang kukulit nila?! Kaya nagdahilan na lang ako na sasabihin ko sa kanila bukas, paglaki ko. Pero di pa naman talaga ako lalaki bukas dahil matagal pa yun kaya imposibleng masabi ko sa kanila. Buwahahahah!!!

Haruto's P.O.V

Ako ang president ng buong Academy at ako rin ang President ng klase namin. Sabi raw ng mga teachers ay babagay raw sa'kin ang posisiyon na yun dahil responsable raw ako. Pero wala akong pakialam kung Presidente man ako o hindi ng Academy na 'to. Ang tanging mahalaga, ay malaman ko ang sikreto tungkol sa Anime World na 'yan. Kaunti na lang. 'Di ko ba na-mention sa inyo na mahilig ako sa Anime? Ang lahat ng nag-aaral sa Academy na ito ay mahihilig sa Anime, mapalalake man o mapababae dahil iyon ay mine-mention ng name ng Academy at ang lahat ng Anime Academies na nagkakalat ay mayroong Anime World. 

Ang passageway papunta sa Anime World ay alam ko naman kaso lang ay hindi ko ito mabuksan dahil ayon sa research ko ay mayroong Otaku na may hawak ng susi nito. Isa yun sa mga classmates ko. Ako ang nagpumilit sa mga teachers na gawin silang classmates ko kapalit ng pagsisilbi ko sa Academy. Alam kong isa sa kanila o kung ilan man iyon ang may hawak-hawak ng susi dahil mayroon silang palatandaan tulad ko. Hindi nila yun makita pero nakikita ko mismo at ang mayroong palatandaan lang na ganun ang pwedeng humawak ng susi.

Kailangan kong mahanap agad kung sino ang may hawak ng susi papunta roon. 

"Haruto, okay ka lang? Nakatulala ka diyan? Parang ang lalim naman ng iniisip mo," sabi ng katabi kong si Kenji.

Tiningnan ko siya nang seryoso, "Would you please mind your own business?"

Nagkibit-balikat siya, "As you said,"

Habang natutulog naman si Eian sa tabi ko ay may tumabi naman sa kanan niya.

Naghikab muna ito at napansin niyang tinitingnan ko siya, "Problem?"

Bumalik ako sa sarili ko at tumingin sa ibang direksyon, "None."

Hindi ko pa siya kilala pero I think na kailangan niya akong kilalanin.

Tumingin ulit ako sa kanya, "Hey you!"

Tumingin rin siya sa'kin at tinuro ang hintuturo sa dibdib niya na walang ekspresyon sa mukha, "Me?"

"Yes. What's your name?"

"Bakit ko naman sasabihin sa'yo?"

"Because I'm the president here, you know. The president must be friendly!" sabay ngisi ko pa.

"Fine..." Nilahad niya ang palad niya sa'kin para makipag-shake hands kaya nakipag-shake hands ako rito pero wala pa ring expression sa mukha niya, "I'm Kiel Luck. And you?"

Animazing AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon