Chapter 23

634 42 18
                                    

Katelyn's P.O.V

Andito ako at tumatambay sa may garden ng school.

"Hi Miss!"

Nag-hi sakin ang isang mukhang adik na lalaking kaschoolmate ko sa harap ko.

"Anong hinahi hi mo dyang adik ka?" sagot ko dun sa lalaki.

Hinawakan niya yung braso ko, "Do you have some time?"

"Bitawan mo nga ako! Tsaka anong time pinagsasabi mo? Wala akong time okay? Kaya umalis ka na!"

"Hehe. Nambabara ka pala. Mas nagiging cute ka tuloy"

"Hoy lalaking unggoy na naging gorilla, bitawan mo nga ako at ako'y tigil-tigilan mo kung ayaw mong matikim ng kamao ko"

"Matapang ka pala eh. Anong pangalan mo Miss?"

"Pakialam mo kung matapang ako? Tsaka, hindi ko sinasabi ang pangalan ko sa mga strangers na tulad mo!"

"Ako? Stranger? Di mo ba ako kilala Miss?"

"Ay Oo. Kilala kita. Ikaw ba yung abnormal na baliw na pakalat-kalat sa school?"

Mas lalo niyang hinigpitan nag pagkakahawak sa braso ko, "Anong sabi mo?!"

"Aray! Bitawan mo nga ako! Baliw ka! Adik! Unggoy!"

"Ikaw!" tapos hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa braso ko na dahilan para umaray ako.

*PAK*

Pagkakita ko ay wala nang malay ang adik na lalaking yun.

At nasa harap ko naman ang isang lalaking nakapose na parang nanuntok.

Humarap sakin yung lalaki, "Katelyn, wag ka masyadong tumambay nang mag-isa ka. Tandaan mo, marami pa namang tulad niya ang gumagala ngayun"

"R-Ra-Raven, i-ikaw pala"

Seryoso lang ang kanyang mukhang nakatingin sakin.

"Mondragon, di ko akalain na tinakasan mo kami nang dahil lang sa isang babae"

Napatingin ako sa likod ni Raven. Sa likod niya, ay andun ang mga lalaking mukha ring adik.

Napatingin rin sa kanila si Raven pero agad itong umiwas ng tingin at naglakad na papalayo sa kanila nang di sila pinapansin.

"Hoy Modragon! Hindi pa tayo tapos!" sabi nung isa sa mga adik dun at kinwelyuhan si Raven.

"So?" ang tanging sagot ni Raven.

"Ah! Ganyanan pala gusto mo ah!" sabi nung lalaking nagkwelyo sa kanya at sinubukang suntukin si Raven sa mukha kaso mas nauna si Raven na suntukin siya sa kanyang sikmura.

Namilipit naman ang nagkwelyo sa kanya dahil sa ginawa niya.

"Ahhhh!" sigaw nung ibang adik dun at sinugod nila si Raven.

Suntok dito. Suntok doon. Sipa dito. Sipa doon. Ang astig nga ni Raven eh. Parang nanonood lang ak ng Action Movie dito. Biruin mo, lima silang napabagsak ni Raven? Isama pa natin itong adik na nang-iistorbo sakin kanina para anim na sila.

"Wow! Ang galing mo Raven!"

Di na siya sumagot pa at magsisimula na sanang umalis nang ang isa dung lalaki sa may likod niya ay nagkaroon na ng malay at susugurin siya.

"Raven! Sa likod mo!" sigaw ko. Pero bago pa makalingon si Raven ay ako na ang sumapak dun sa lalaking susugurin dapat siya.

Napatingin sakin si Raven, "Magaling ka rin naman pala"

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now