Chapter 46

296 18 3
                                    

Kathy's P.O.V

"Sumusuko na kaming mga Anti-Otakus sa inyo..."

.

.

.

Sumu...

...suko?

Hinde. Hindi totoo to. Alam kong niloloko na naman niya kami.

Hindi. Hindi talaga...

"Otoko? Isa na naman ba to sa kaplastikan mo?" tanong ko sa kanya.

"Hindi mo na kami maloloko pa Otoko" sang-ayon pa ni Azure-sensei.

"Tumigil na kayo, please..." pagmamakaawa naman ni Yuri.

Iniangat ni Otoko ang ulo niya, "Totoo ang sinasabi ko. Sumusuko na kami..."

Nagulat ulit kami sa sinabi niya pero ang mas ipinagtataka ko ay ang pagkagulat ng mga Anti-Otakus na kasama niya.

Nagkatinginan ang mga Anti-Otakus sa isa't isa at nagsalita ang isa sa kanila, "Otoko, anong ibig sabihin nito? Akala ko ba ay pupunta tayo dito dahil tuluyan nating sisirain ang Anime World?"

Sinasabi ko na nga ba. Talagang may plano sila.

Magsasalita pa lang sana kami nang inunahan na kami ni Otoko, "Susuko na tayo sa kanila. Wala tayong mapapala kung wawasakin pa natin ang Anime World"

Mas lalo naming ikinagulat ang sinabi niya.

Totoong...

...gusto nang sumuko ni Otoko?

Nagkatinginan muli ang mga Anti-Otakus at nagsalita naman ang isa pa sa kanila, "Otoko, hindi mo pwedeng gawin sa amin to!"

"Hindi kami susuko Otoko!"

"Tuluyan na naming wawasakin ang Anime World na yan!"

"Dapat mawala na ang mga Anime Characters na yan!"

Ayan ang mga pagkukumahog ng mga Anti-Otakus sa nakaluhod at sumusukong si Otoko.

Ang mga Anime Characters naman na kasama namin ay nag-papanic na at hindi alam ang gagawin...

"Nangako kayo sa amin na ibabalik kami ng Anime World" pag-aalalang tanong ni Sakura ng Naruto.

"Bakit sinasabi nila na sisirain nila ang Anime World?" pagtataka ni Koro-sensei ng Ansatsu Kyoushitsu.

"Pinapunta niyo lang ba kami dito para wasakin kami?!" galit na sabi naman ni Natsu ng Fairytail.

"Kung ganon, sugurin sila!" sigaw ni Goku ng Dragon Ball.

Lalapit na sana ang mga Anime Characters para sugurin kami at ang mga Anti-Otakus. Tapos lalapit na din sana ang mga Anti-Otakus para sugurin kami at ang mga Anime Characters nang...

BAM!

Ang mga Anime Characters ay nagtalsikan lahat sa may left side namin at nagtalsikan naman ang mga Anti-Otakus sa aming right side.

Hindi pa yun doon nagtatapos dahil nagkaroon ng force field na nakakapaghiwalay sa Anti-Otakus, sa aming mga estudyante at Superheroes at sa mga Anime Characters.

Bale magkakahiwalay ang tatlong grupo na ito.

Nagsalita si Katara-senpai, "Pasalamatan niyo si Seika-senpai na gumawa ng forcefield. Iniiwasan lang natin ang gulo na mangyayari dito kaya ginawa ang forcefields na yan. Hindi makakalapit sa inyo ang Anti-Otakus ni masasaktan kayo ng Anime Characters. Hindi rin magkakagulo between Anti-Otakus and Anime Characters habang buhay ang force field na yan. However, pwede niyong marinig ang isa't isa"

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now