Chapter 16

1K 47 25
                                    

Childie's P.O.V

Ngayon ay nasa table kami ni Shizuo.

Kyaaa!!! Pinili ako ni Shizuo-kun!!!

Ang mga kasama ko sa table ay sila Jerry, Kuro at Eian.

Hindi kami umiimik sa isa't isa.

Kanina pa tahimik si Shizuo at kanina pa pinagmamasdan ang table nila Izaya.

Nagulat ako nang nagsalita si Kuro, "Um, Shizuo-kun" 

Parang walang narinig si Shizuo at nagsindi lang siya ng sigarilyo.

Mas lalo akong nagulat nang inagaw ni Eian yung sigarilyo niya, "Shizuo! Andito tayo para mag-meeting. Ano bang nasa kokote mo at parang feeling mo lang na wala kami sa harap mo ngayon? Pinapaasa mo lang ba kami?"

Tiningnan siya ni Shizuo sa mga mata niya.

Nagulat kami nang kinwelyuhan siya ni Shizuo, "Wala akong pakialam kung sino kayo o anuman kayo! Wag niyo akong pakialaman sa ginagawa ko!"

Sumingit naman si Jerry sa kanila at inawat sila pero itinulak lang siya ni Shizuo.

Inalalayan kong tumayo si Jerry.

"Okay ka lang ba Jer-"

Itinulak niya ako at sumugod kay Shizuo para suntukin siya.

Sinigawan siya ni Jerry, "Ano bang problema mo?! Nakikipag-usap kami nang maayos sa'yo tapos gaganituhin mo kami?! Sa tingin mo ba ay idiot ako para palagpasin lang 'yon?"

Dahan-dahang tumayo si Shizuo.

Kumuha siya ng sushi sa table at inapakan ito.

Lagot.

Hinarangan ko si Shizuo sa gagawin niya.

Nagsalita si Shizuo, "Hindi ako pumapatol sa babae pero kung gusto mo talagang madamay..."

Napapikit na lang ako sa gagawin niya sa'kin.

"Wala siyang kinalaman dito. Kaya 'wag mo siyang idadamay"

Iminulat ko ang mga mata ko at bumungad sa harap ko si Jerry.

Nagsalita na rin si Eian, "Pag-usapan natin ito nang maigi. With no violence"

Pero parang hindi nila pinapakinggan si Eian at nagtititigan silang dalawa nang maigi sa isa't isa.

Ngumisi si Shizuo at hinawakan ang pisnging sinuntok ni Jerry, "Sa tingin mo ba ay palalagpasin ko ang ginawa mo sakin?"

Ngumisi din si Jerry, "Hindi ka naman naduduwag diba?!"

Kinwelyuhan siya ni Shizuo, "Bakit hindi natin 'to gawin sa labas?"

Naku po.

Tumayo na si Kuro, "Sa-Sandali. Masyado kayong nagmamadali. Pag-usapan na lang natin ito"

Hindi rin nila pinakinggan si Kuro.

Tinanggal ni Shizuo ang pagkakakwelyo kay Jerry at tumalikod na para lumabas. Sumunod naman si Jerry.

Hinawakan ni Eian ang ulo niya, "Gulo 'to"

Sinundan niya rin sila.

"Anong gagawin natin Kuro?"

"Hindi ko rin alam, Childie. Maybe, sundan natin sila?"

Sumunod si Kuro sa kanila kaya sumunod na rin ako.

Animazing AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon