Chapter 1 ~ The Beginning

8.2K 149 31
                                    

Kathy's P.O.V

"Waaah! Ito ba yung Animazing Academy?"

"Oo. Nakikita mo naman 'di ba?"

Nag-death glare ako kay Chizuru. Kahit kailan talaga o, binabara niya ako. Hmph!

"Chizuru, I hate you talaga. Tinatanong ko nga sa sarili ko kung bakit pa kita naging bestfriend."

Umirap siya, "Excuse me? Sino kaya diyan ang nangulit na maging bestfriend ako?"

"Ako."

"Buti alam mo."

Kami ay mga bagong transferees sa Academy na ito dahil ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito. Lahat daw kasi ng nag-aaral dito sa Animazing Academy ay mga mahilig sa Anime kaya naman sobrang pilit ang ginawa ko sa mga magulang ko upang pag-aralin ako rito. Mabuti na nga lang at pumayag sila. Talagang sinipagan kong mag-aral para lang makapasa ako sa test. Mabuti na lang din at pumasa ng test si Chizuru. Nag-take rin siya dahil isa rin 'yan sa mga alam kong adik sa Anime. Oo, bestfriend ko na 'yan simula pa no'ng kinder kami hanggang ngayon. Hindi nga lang halata.

"Bilis na Chizuru! Pasok na tayo!" Sa sobrang excite ko ay hinila ko na si Chizuru sa nakakalulang eskuwelahang ito.

Pero pagdating namin doon ay maraming estudyanteng nagkukumpulan at parang may nag a-announce sa harapan.

Hala! Late na ba kami?!

Hayaan mo na, transferees naman kami kaya okay lang iyan.

Lumapit kami ni Chizuru sa crowd na nasa 'di kalayuan gamit ang pagtakbo para naman makasiksik kami dun agad at hindi mahalatang late. Hehe.

Pero mukhang nahalata ata kami ng nag a-announce, "You two!" Tinuro pa kami.

Nagkatinginan kami ni Chizuru tapos tumingin ulit kami sa nag a-announce.

"Come over here," Hindi ko masyadong makita ang mukha ng nag a-announce dahil ang dami ngang estudyante na nasa harapan pero rinig ko siya dahil naka-mike naman siya.

"I said, Come.Here!" Hala! Pinagtitinginan na kami ng mga tao.

Bumulong ako kay Chizuru, "Hala! Anong gagawin natin Chizuru? Nakakahiya. Bagong salta pa naman tayo rito,"

Lumingon siya sa akin at ngumiti, "Don't worry Kathy, ako ang bahala sa'yo."

"Bahala? Paanong---" Hindi ko na naituloy dahil hinila niya na ako. Sobra talaga 'tong nakakahiya. Kung pagtinginan kami ng mga tao ay parang nakita nila ang isang napkin na pa-galagala sa kalsada.

Tapos nagbigay pa ng daan sa amin ang crowd. Bakit ang strikto naman dito? Sorry naman. Wala naman kasi kaming alam na bawal pala ma-late kasi pahihiyain niyo.

Nang makarating na kami sa stage ay namukhaan ko na yung nagpapahiyang announcer. Napanganga ako. Baka mahulog yung baba ko sa sahig, pasalo na lang.

Binatukan ako ni Chizuru, "Uy! Buhay ka pa?"

Napatingin ako sa kanya ng masama, "Hindi. Nag-teleport lang yung kaluluwa ko at pumuntang Pluto."

Nag-poker face siya.

Hindi namin namamalayan na nakatingin pala sa'min yung announcer habang nakapameywang, "Tapos na ba kayo?"

Hindi pa. Gusto mo, sali ka sa usapan namin.

Lumapit siya sa'min at mas naanigan ko ang mukha niya. Maabong hair, singkit eyes, at matangos nose. In short, FAFA!

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now