Chapter 20

795 43 17
                                    

Mishu's P.O.V

Okay. So nagsiuwian na nga lang kaming lahat dahil nga hindi kami pwedeng pumunta ng Anime World dahil nga tinatamad yung Author este may mag-oobserba samin pag pumunta kami. At baa dahil dun, mapahamak pa yung Anime World tapos kami pa yung may kasalanan kung bakit nagkaganun. Kami na nga ang nagbebenefit sa Anime World na yan, tapos nang dahil samin ay masisira pa yun? Dapat nga suklian namin yung pagpapapunta nila samin sa Anime World. Dapat namin itong protektahan!

Hindi na rin ako sumabay sa mga kaibigan ko sa pag-uwi este sila ang di sumabay dahil maaga na silang umuwi.

Dahil dun, umuwi na lang ako mag-isa ko. Pero ayoko pang umuwi kaya naisipan ko munang dumaan sa Mall.

Sa Mall...

Anong meron dito? Ba't andaming tao?

Siksikan ang mga tao pagdating ko sa 3rd floor ng Mall.

Makapagtanong nga.

"Miss, anong meron? May bigayan ba dito ng relief goods? O may nagsuicide ba? O may hinostage man lang? May lumipad pa ditong unindentified flying object tapos tumama sa bulalakaw tapos tumama sa Mall?" tanong ko.

Para namang nagtaka na nainis yung babae sakin, "What are you saying? You don't know what's happening here? Pity you"

"Eh miss, ano ngang meron dito?"

"You still don't get it? You still don't know that this day is the most important day for me?"

Nakakanosebleed na yung mga sinasabi niya ah. Like hello, nasa pilipinas po kaya tayo?

"Eh? Ano naman ang kinalaman ko sayo?"

"Will you just shut up? I don't talk to idiots like you"

Tapos nun, umalis na siya sa harap ko at lumipat ng ibang pwesto.

Ano ba naman yun? Parang magtatanong lang kung bakit andaming tao dito tapos sasabihan na ako ng idiot? How dare she is!

Argh. Kainis ha.

Nagtilian naman yung mga tao. Ang lakas nga eh. Ano ba kasing meron? Natuloy na ba yung pagpapakamatay kaya nagtilian sila? Eh bakit parang tuwang-tuwa pa sila na natuloy na yung pagsusuicide nung nagpapakamatay? Wala akong maintindihan.

Mas lalo pang lumakas yung tilian.

And oh. Nagtutulakan sila. Habang nagtutulakan sila, naitutulak na rin ako papunta sa harapan.

Habang paparating ako sa harapan, parang may naririnig akong kumakanta.

Habang papalapit ako nang papalapit, lumalakas nang lumalakas yung kanta. Kung di ako nagkakamali, parang grupo ata yung natugtog.

Nang naitulak na ako sa pinakaharapan, lumaki yung mga mata ko sa nakita ko.

Kaya ba maraming tao dito? Kaya ba nagkakagulo at nagsisiksikan ang lahat ng andito?

Ang nakita ko lang naman, isa lang namang banda. Hindi lang siya banda, mukhang sikat na sikat ata ang bandang ito. Ang babata nga nung mga members nung banda eh. Parang kasing-edad ko lang ata.

Pinagmasdan ko yung banda na yun. Yung sa vocals nila...

...ang gwapo. Sa lahat ng sasabihin ko, yun pa eh.

Pero ang totoo nyan, parang familiar sakin yung sa vocals nila. Parang nakita ko na siya eh. Di ko lang alam kung saan at kailan.

Infairness, ang gagaling nila. Kaya siguro sikat na sikat sila. Pero hindi naman ako mahilig sa mga banda chuchus na yan kaya hindi ko sila kilala at kung nasa tv man sila o radyo, hindi ko naman sila napapakinggan o napapanood dahil ang inaatupag ko lang ay Anime o kaya pagbabasa ng Manga.

Animazing AcademyМесто, где живут истории. Откройте их для себя