Chapter 35

484 34 27
                                    

Kathy's P.O.V

" *sigh* Hindi kayo makalabas ng Anime World in one very main reason...

...nang pumasok kayo ng world na ito, nakapasok kayo dahil kumpleto kayong lahat...

...pero ngayon...

...hindi makakapayag ang Anime World na makalabas kayo...

.

.

.

...nang hindi kayo kumpleto"

Hindi...

...kumpleto?

"Hoy! Pinagloloko mo nga talaga kami eh! Anong di kumpleto?!" naiinis na sabi ni Haruto.

Mukhang nainis si Lucy sa sinabi niya, "Hindi ka ba nakakaintindi ng di kumpleto?! Di kumpleto, kulang kayo. Ano ba ang depinisyon mo sa di kumpleto?! Sakto kayo?!"

=___=

Nagpapadala kasi sa galit eh.

"Ako na nga," boluntaryo ko, "Ang ibig niyang sabihin, paano kaming di kumpleto?"

Medyo huminahon na si Lucy, "Kulang kayo. Isa man yan o dalawa. Kumpleto kayo nang pumunta kayo sa KnB World diba? Ngayon eh kulang na kayo. Maaring naistuck ang kulang sa world na ito o kaya may nangyaring masama sa kanya. Hindi papayag ang Anime World na palabasin kayo hangga't mayroong naiiwan dito. Kung lalabas kayo nang di kumpleto ay pananagutan iyon ng Anime World"

O-O

"Kumpleto kaming lahat. Binilang ko pa nga silang lahat bago kami mag-exit ng Anime World. Walang kulang sa kanila" biglang paliwanag ni Eden-sensei.

O-O

Huh?

Pero...

...paano?

Nagtaka doon si Lucy, "Ano? Pero yun lang ang dahilan kung bakit hindi kayo makalabas ng Anime World..."

Nagulat kaming lahat dahil doon.

.

.

.

Paano kami magiging hindi kumpleto kung andito ang lahat?

Kira's P.O.V

Hello there! Yoroshiku! Well, di niyo pa ata ako kilala. Ay hindi. Let me rephrase. Hindi niyo pa talaga ako kilala.

I am Kira Miyabi. At ang masasabi ko lang about myself ay kamukha ko si Saki Rukino. That's all.

Okay. Enough for the introductions. Naeexcite lang kasi ako eh. Nandito na ako sa book na ito. Yung author kasi eh, tagal akong pinalabas. Joke lang otor.

Okay. Bakit nga ba ako nandito sa istoryang ito?

Di ko rin alam eh.

Naglalakad kami ng mga kaibigan kong sila Aria, Thoka at Charm pabalik sa classroom namin.

Oh, our class is 1-B if you didn't know it yet. Ang ibig sabihin, kami ang section na pumapangalawa sa larangan ng IQ. Alam niyo na naman ang 1-A diba? Sila ang pinakamatataas ang IQ sa lahat ng estudyante ng 1-A.

Oh well, kahit na ganun ay nayayabangan pa rin ako sa kanila.

Ewan ko. Di sila namamansin sa ibang section. Mga snobbers lang? Tapos ang tagal pa nila umuwi minsan. Kala mo andaming projects na gagawin sa classroom nila eh.

Minsan talaga naiinis ako sa kanila. Isa pa, yung mga boys nila ay di man lang pinapansin yung mga girls samin. Ugh. Tapos kung papansinin naman nila, parang pinaglalaruan lang nila.

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now