Chapter 21

850 43 24
                                    

Haruto's P.O.V

Phew! Hirap talaga maging President. Daming paperworks. Asan na ba kasi iyang kanang kamay ko na Vice President na yan? Bakit ba agad-agad niyang tinatakasan ang trabaho niya bilang Vice? Nakalimutan niya bang Vice President siya? Sarap buhay niya ah.

Naalala niyo ba yung time na pinigilan ko siya kanina para sabihin sana na gawin niya yung ibang paperworks?

*flashback*

“Ambobo mo pala eh!” sigaw ko kay Kathy.

“Anong bobo? Kung makasalita ka eh, ang yabang mu! Makaalis na nga bago pa lumala yang pagkakavulcanize sa utak mo. Lumolobo na masyado sa hangin!” sagot niya.

Hinablot niya na yung bag niya tapos nagwalk-out pero hindi pa siya nakakaalis ng room ay hinawakan ko ang braso niya. Lumingon naman siya sakin.

“Oy saan ka pupunta?” tanong ko sa kanya. 

Hindi pa dapat siya umalis. Marami pang paperworks na gagawin at bilang Vice President siya, tutulong dapat siya sakin.

“Dun sa lugar na walang masyadong hangin! Ang hangin kasi dito eh!” sagot niya tapos hinablot niya yung braso niya at umalis na.

"Wait!" sabi ko pa pero hindi na niya ako nilingon pa.

*end of flashback*

Titirisin ko talaga yun ng buhay pag nakita ko. Biruin mo, pinapapagod ang isang gwapong tulad ko?

Psh. Maituloy na nga yung ginagawa ko dito.

Kung tinatanong niyo po kung asan ako? Nasa SSG room po. Hindi ko na pinatawag yung ibang officers at si Vice President at ako lang talaga ang kailangan dito dahil...

*flashback*

"Mr. Kazuki"

"Yes Mam?"

"Gawin niyo ng Vice President ang mga paperworks na ito. Hindi kasi dapat masilip ng ibang officers ang mga nakapaloob sa papel na ito. Mga teachers, ang principal at ang President lang dapat makaalam niyan. Sasabihin ko naman rin sa inyo kung kailan niyo ito ipapaalam sa Officers"

"Yes Mam"

*end of flashback*

O ano? Gets niyo na? President lang dapat makaalam. Pag absent ang President, diba papalit sa kanya ang Vice President kaya tatayong President muna habang wala si President ay si Vice President? So President rin si Vice President kahit papano kaya dapat ay tumulong rin siya dito. Tsaka sabi ni Mam, dapat kaming dalawa ang gagawa nito. Nako. Sasapakin ko talaga ang babaing yun pag nakita ko.

Tch. Nasaan na ba kasi yung babaitang yun? Magpakita nga sakin nang mabigyan ko ng napakalakas na suntok?

Haaay, sa wakas. Tapos na rin itong mga paperworks. Makakauwi na rin ako kahit di pa dumidilim.

Lumabas na ako ng SSG room tapos nilock ko na ang pinto nito.

Makauwi na nga.

Naglalakad na ako ngayun sa hallway.

"Haruto-kun!"

Syete. Yung fansclub ko!

Opo. May fansclub po ako. Gwapo ko kasi. Tapos matalino pa. Tapos responsable. Eh san ka pa?

Oras na para tumakbo.

"Haruto-kun! Wag kang tumakbo!"

"Please Haruto! Pa-autograph!"

"Haruto! We Love You! Wag kang lalayo!"

Ewww naman ng mga to. Ang papangit naman.

"Katie, wag ka ngang humarang" sabi ng isa dun sa isang babae na fan ko din.

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now