Chapter 47

414 20 11
                                    

Kathy's P.O.V

"Hindi ikaw ang pumatay sa mga magulang ko, Kathy..."

Nagulat ako sa sinabi ni Otoko pero napalitan rin ito ng pagkagalit sa sarili ko.

"Anong hindi, Otoko?! Bumalik sa akin ang alaalang iyon. Na pinagpumilitan kong pumunta sa nasirang Anime World na pinangangalagaan ng mga magulang mo kahit bawal! Dahil sa pagmamatigas ko ay nang binuksan natin ang pintong yun ng Anime World ay kukunin na sana tayong dalawa ng Anime World pero biglang dumating ang mga magulang mo at imbis na tayo ang mahigop ng Anime World ay yung mga magulang mo pa ang nahigop nito. Kasalanan ko ang lahat. Ako ang dahilan kung bakit namatay ang mga magulang mo at ako ang dapat sisihin kung bakit naghihiganti ka ngayon sa pagkawala nila!"

Natahimik sila sa sinabi ko.

Para bang nagegets na nila ang ibig kong sabihin...

...at ang ibig kong iparating.

Pero hindi pa rin nagalit sa akin so Otoko bagkus ay napangiti siyang muli, "Kathy, wala kang kasalanan sa nangyari. Bata ka pa noon. At di naman maiiwasan sa mga bata ang pagka-curious nila sa mga bagay-bagay hindi ba? Para sa akin, ang Anime World ang may kasalanan nang lahat ng nangyari. Dahil kung hindi sana sila gumawa ng patakaran na 'Kung masisira ang Anime World, maisasaayos lamang ito at maibabalik sa dati kung may buhay na kapalit', hindi sana mawawala ang mga magulang ko sa akin. Pero napagtanto ko naman, siguro eh wala talagang kasalanan ang Anime World dahil ginawa lang ng mga magulang ko ang tungkulin nila na pangalagaan ito sa pamamagitan ng pagbubuwis ng buhay nila dito at hindi lang yun, namatay ang mga magulang ko dahil pinrotektahan niya ako tsaka ikaw, Kathy. Walang may kasalanan sa nangyari..."

"Pe...Pero..."

Hindi ko na naipagpatuloy ang dapat na sasabihin ko nang hawakan ako ni Katara-senpai sa balikat ko, "Kathy, tama siya. Hindi ko man maintindihan ang ibang detalye ng mga nangyayari pero alam kong tama talaga ang mga sinasabi niya at nagsasabi siya ng totoo"

Tinanggal ko ang mga luha na tumutulo mula sa mga mata ko at tumango ako sa sinabi ni Katara-senpai.

Siguro nga...

Siguro nga eh tama si Otoko.

Mali ako sa panghuhusga sa pagkatao niya.

Ginawa niya lang ang mga masasamang gawain na yun dahil sa pagmamahal niya nang labis sa mga magulang niya.

"I'm sorry Otoko...kung hindi agad ako naniwala sa mga sinabi mo..."

Ngumiti lang sa akin si Otoko at nagsalita na muli siya, "Nasabi ko na naman sa inyo ang patakaran ng Anime World hindi ba? Maibabalik lang ito at maisasaayos muli kung may buhay na kapalit. Dahil sa pagsasakrapisyo ng mga magulang ko noon, naisaayos ang Anime World muli. Ngayon naman, gaya nga ng sinabi ko ay ako naman ang magsasakripisyo para bumalik naman ulit ito sa dati"

Nagulat ako sa sinabi niya.

"Sandali. Ang ibig mong sabihin..." gulat na pagtataka ni Eden-sensei.

Sumagot agad si Otoko sa katanungang ito, "Oo. Ako naman ang magsasakripisyo para maging maayos muli ang Anime World na sinira ko"

"Sandali Otoko. Bakit? Bakit mo to kailangang gawin?" tanong ko.

Bakit ngayon pa na nakita ko na kung gaano siya kabuti?

"Dahil ako ang dahilan kung bakit nasira ang Anime World. Leader ako ng mga Anti-Otakus at nag-lead sa kanila upang masira ang Anime World. Naguiguilty ako sa ginawa ko dahil pati ang mundo natin eh nadamay sa ginawa ko. Tsaka...

...gusto ko na ring makasama ang mga magulang ko at makita silang muli"

.

.

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now