Chapter 19

825 45 60
                                    

Kathy's P.O.V

This time ay sumagot si Laoshi para dito, "I have a plan. Ang boys ang magyayaya ng girls na gusto nilang maging kapartner sa Fake Date or tawagin na nating Protect the Anime World plan"

Patay. T ^ T

"Ano?! Niloloko mo ba kame?" sigaw ni Ashe.

"Tama siya. Yun na lang ang gawin natin. Sa date kasi, ang boys dapat ang magyayaya at hindi girls" seryosong sabi ni Taisuke.

"Eh? Pero hindi naman to totoong date eh" sagot ni Sayuri.

"Kahit na!" sagot ni Jerry.

"Fake Date nga lang to!" pagpapaalala naman ni Childie.

"Fake man o hindi, date pa rin ito! Kaya walang aangal!" sabay ngisi ni Ai.

Opo na. Sige na puh. Kayo na ang masusunod. Walangjong Date naman yan eh.

"So, yun na ang plan ha? Ang boys ang magyayaya ng date sa girls!" sabi ni Miyaji.

"This Saturday nakaschedule ang date. Iba't iba ang meeting place para walang magsuspetya na nasa iisang lugar lang tayo. Ang boys na ang bahala sa schedule at sa place nila ng fake date niya. Kayo na rin ang bahala kung paano niyo kukumbinsihin ang fake date niyo na sumama sa inyo" paliwanag ni Haruto.

Pumayag rin siya? Parang nag-eenjoy ang boys dito ah.

^____^ <--- Boys

T___T <---Girls

So pagkatapos nga ng plan na yun, dumating na ang mga next teachers hanggang sa nag-ring na ang bell at uwian na. Yey! Sino kaya magyayaya sakin? I wonder.

Wala. Wala yan. Assuming much?

"Kathy, buksan mo na yung Anime World!" pagyayaya sakin ni Mishu habang inaayos ko yung mga gamit ko sa bag.

Bago pa ako sumagot, umepal na naman yung katabi ko.

"Hindi tayo pupunta ng Anime World ngayun. Inoobserbahan tayo ng teacher natin. Pakibulong na rin sa iba. Tsaka, pakibulong na rin na umuwi na sila kung gusto nila" bulong ni Haruto.

"Ganun?!" malungkot na sabi ni Mishu at umalis na.

"Problema mu? Nireregla ka ba ngayun at ayaw mong pumunta sa Anime World?" inis na sabi ko kay Haruto.

Tumingin siya ng masama sakin, "Naiintindihan mo ba yung sinabi ko?! Bingi ka ba o ano?"

Bumulong na lang ako sa sarili ko, "Nagmenopause ka agad?"

Ewan ko ba kung bakit narinig pa niya, "Anong sabi mo?"

"Wala. Sabi ko, nang magpasabog ng kagwapuhan si Lord ay nasambot mong lahat"

Ewan ko nga ba kung bakit ko nasabi yun. Eh sa wala na akong maisip na palusot. = 3=

"T-Ta-Talaga?" sagot naman niya na may slight na red sa pisngi niya.

Naniwala ba naman?

Bumulong ulit ako, "Kaso nailaglag mo eh kaya iba na lang yung nakasambot at walang natira sayu"

Nawala yung slight red sa kanyang pisngi at nagkasalubong yung kilay niya, "Ano ulet?"

"Baka ikaw yung bingi dyan!"

"Eh bakit ka kasi nabulong?"

"Eh dapat nilakihan mo yung tenga mo para man lang narinig mo"

"Sa tingin mo ba ay napapalaki yung tenga?"

Ay. Oo nga nuh. >.<

"Eh sa tingin ko!"

"Ambobo mo pala eh!"

Animazing AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon