Chapter 14

1.1K 47 35
                                    

Kathy's P.O.V

"WAAAAAW!!! Exciting 'to. Puro girls ang pipliin ko!" sigaw ni Masaomi.


Nagsalita si Haruto, "I agree. But just make it in 2 hours"


Kung kami lang sana ang pipili pero ang mga Anime Characters ang pipili eh.


Hmmm...sino kaya pipili sakin?


Di talaga ako makapaniwala sa mga plano ni Eian. Talagang pinag-isipan niya ang mga yun.


Ako rin kaya? Pag-isipan ko na yung gagawin ko 'pag nasa world na kami ng...


"Nyaaa! I'm super excited! Pwede bang mauna ako?" sabay taas ng kamay ni Erika.


Nagsalita ulit si Eian, "Ako ang magdedecide kung sino ang mauuna"


"Sang-ayon ako sa lalaking matapang na ito" sabay ngisi ni Izaya.


Haaayssst. Gustung-gusto ko talaga yung ugali ni Izaya-kun.


Di talaga ako makapaniwala sa mga nakikita ko nang nagsimula akong lumipat sa Animazing Academy.


"Paikot" sabi ni Eian.


Ganito yung pagkakasunod ng mga seats ng Durarara Characters pero hindi sila magkakatabi, magkakasunod lang: Mikado, Masaomi, Anri, Celty, Shizuo, Simon, Izaya, Shinra, Kyohei, Saburo, Walker, Erika, Seiji, Mika, Namie.


Tiningnan ko si Celty. Nakatingin siya kay Mika. Ang alam kasi niya sa episode na ito ay nakakabit ang ulo niya kay Mika.


Sandaling tumingin sa kanya si Mika pero umiwas agad.


Di ko namalayan na nagsasalita na pala si Mikado, "Ay sila..."


Inasar siya ni Masaomi, "Dalian mo na Mikado. Di na makapaghintay ang mga beautiful ladies sa akin"


"Wa-Wag niyo na lang pansinin iyan. Ang pipiliin ko ay sila..."


"Sila?!" tanong naming mga 1-A.


Kung ako ay pipiliin ni Mikado, okay lang din sa akin. Siguro ay mabait siyang kausap. Pero mas gusto kong piliin ako ni Izaya.


"Sila ay sina Ashe, Shinji, Yuuki at Kiel" tuloy niya.


Lahat kami ay tahimik at walang nagsasalita kaya pare-parehas lang kami kung titingnan nila sa attitude. Siguro ay pagbabasehan nila sa looks. Mukha kasing humble yung apat, eh mahilig sa humble si Mikado kasi humble rin siya. Gets?


Sumunod na si Masaomi na parang nae-excite, "Ang mga babaeng nakapukaw ng aking atensyon ay sila Ayame, Miru, Chizuru at Akira"

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now