Chapter 24

577 41 17
                                    

Ashe's P.O.V

Naglalakad ako ngayon dito sa kalye. Eh sa trip ko eh. Tapos may bigla akong nadaanan na bakery at nakadisplay sa salamin nila ang mga tinitinda nila.

"Ashe!"

Wow! Ang sasarap naman ng mga tinapay dito sa bakery na ito. Matingnan nga ng maigi.

"Ashe!"

Ang yummy naman ng chocolate cake na ito. Magkano kaya ito?

"Oy Ashe!"

Bakit ang mahal naman? Masarap ba ito kaya ganun kamahal?

"ASHE! AMBINGI MO! "

Teka. May tumatawag sakin?

Hinanap ko kung saan nanggagaling yung boses.

"Shinji?"

Naglakad siya nang mabilis papunta sakin at hinawakan niya ako sa aking balikat, "Ba't ambingi mo?"

Tinanggal ko yung pagkakahawak niya sa balikat ko, "Teka nga lang. Stalker ka ba? Bakit ka andito?"

Tumingin siya sa ibang direksyon, "Ikaw ang magiging Fake Date ko. Wag ka nang umangal"

Tapos umalis na siya nang nakapamulsa.

Naiwan ako dun na nagtataka na nagulat na ewan.

FAKE DATE ni Shinji??? O___O

Fantasy's P.O.V

Nakaupo ako sa bench ngayon ng Academy.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko.

"Gusto mo?" sabay alok nung katabi ko ng softdrinks.

Pagkatingin ko sa katabi ko ay nanlaki ang mga mata ko.

"Haha. Mukha ba akong Multo?" sabay turo niya sa sarili niya.

Napailing ako.

"Eto oh. Alam kong andito ka. Kaya binilhan na rin kita" pag-aalok niya dun sa isa pang softdrink na dala niya.

Kinuha ko na lang ito.

"Siyangapala" sabi niya at may kinuha siya sa bulsa niya.

Napatingin ako sa kinuha niya.

Ipinakita niya ito sakin, "Sayo to diba?"

Hala. Yung love letter pala na inabot sakin ni Minami. Patay. Nahulog ko. Tapos si Kenji pa yung nakakuha.

Umiling ako.

Sinubukan kong kuhanin yung love letter sa kanya pero inilayo niya ito sakin.

"Sabi daw ni Kathy, sayo daw to"

Ano? Sinabi ni Kathy na sakin yan?

"Sabi pa niya, bigay mo raw to sakin"

E-Eh?! Nilalaglag ba ako ng babaeng yun? Lagot sakin yun bukas. Susugurin ko siya sa bahay niya.

"Fantasy, totoo ba yung nakasulat dito?" sabay tingin niya nang seryoso sakin.

Hindi ko pa nga alam kung anong nakasulat dun eh. Ano bang balak ni Kathy?

Sinubukan ko nang magsalita, "Eh? Ano bang nakasulat dyan? Tsaka hindi yan akin ah. Inabot lang yan sakin ni Minami"

"Hindi eh. Sayo daw to sabi ni Kathy. Wag ka na magkaila pa, okay lang naman na magconfess ka sakin. Wala namang problema dun"

C-Co-Confess? Lagot talaga sakin yung Kathy na yun. Sasapakin ko talaga siya.

"Pero hindi-"

Hindi na niya ako pinatapos at tumingin sa harap niya, "Alam mo, maraming babae ang nagcoconfess gamit ang love letter. Kaya pala ang tahimik mo, you say your feelings by writing"

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now