Chapter 41

332 23 22
                                    

Kira's P.O.V

Nagising na lang ako bigla nang naalala kong may nangyaring lindol kani-kanina lang.

Pero hindi ko inaasahan ang nakikita ngayon ng mga mata ko.

Isang Titan ang hawak ngayon si Aria.

Kinusot ko ang mga mata ko para malaman kung panaginip nga lang ba to o hindi. Sinampal ko pa nga ang sarili ko pero mukhang totoo nga talaga lahat ng nakikita ko.

Ibig sabihin lang nun...

...ang mga Anime ay nabuhay bilang mga tao at nakapunta sa World namin mismo.

Pinagmasdan ko pa ang paligid ko.

Hindi nga talaga ako nagkakamali.

"Kira! Si Aria!"

Napatayo na ako sa sinabi ni Thoka. Kailangan ko pala munang iligtas si Aria ngayon na hawak ng isang Titan.

Nagpupumiglas si Aria sa kamay ng Titan na iyon na gusto na siyang kainin.

Hindi niya pwedeng galawin ang kaibigan namin!

Ililigtas ko si Aria kahit nagtataka pa rin ako kung paano napunta ang mga Anime Characters sa mundo namin.

Lumapit ako sa Titan na yon.

At sinuntuk-suntok ko ang paa niya, "PAKAWALAN MO SI ARIA! PAKAWALAN MO ANG KAIBIGAN NAMEN!"

SFX: SLICE

Nang marinig ko na may parang hiniwa na kung ano, napatingin ako sa malaking Titan na nakatingin sakin sa baba.

Mukhang nasaktan ang Titan na yon.

Hanggang sa mabitawan niya si Aria.

Si Aria!

"ARIAAAA!"

Ang Titan, mababagsak sakin!

"DELETE!"

Anong...nangyari...

Iminulat ko ang mga mata ko na kanina lang eh nakapikit.

Teka...Bakit parang...hindi ako nadaganan o nasaktan man lang?

"Aria!"

Narinig ko ang mga sigaw na yon nila Charm at Thoka.

Si Aria!

Wala siyang malay. Marahil dahil yun sa pagkabagsak niya kanina.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Aria.

Ginigising siya ngayon ni Hiromi-sensei.

Naku po. Aria...

"Ako na dyan..."

Napatigil kaming lahat nang marinig ang boses na yun sa likod namin.

Ang nagsalitang yun ay siguradong ang babaeng ito na mayroong Sky Blue Hair. Sa likod naman niya ay isang lalaking mayroong Red Violet na buhok at sa likod naman nun ay sila...

...Katzuya, Eren at...Asuna?

"Ako nga pala si Mizu pero tawagin niyo akong Mizu-senpai" pagpapakilala ng babaeng may Sky Blue Hair.

"At ako naman si James. Call me James-senpai" sabi naman ng lalaking may Red Violet na buhok.

"Ako na ang gagamot sa kanya" pagboboluntaryo ni Mizu-senpai tsaka niya nilapitan si Aria.

Nilagay niya ang palad sa tiyan nito at biglang nagliwanag ang katawan ni Aria hanggang sa...

"Asan ako?"

Animazing AcademyWhere stories live. Discover now