CHAPTER 2

340 146 172
                                    


It's been three days since, tatlong araw na nung pumasok ako/ kami ni Meli sa Greenfield University, tatlong araw na rin ng maging kaibigan namin sila Ryona, Chescka at Ellie naging maganda ang pag kakaibigan naming lima kahit na tatlong araw palang iyon sobrang dami na naming ginawa at mga napagkwentuhan.

Ngayon kakauwi ko lang galing university, alam ko nakauwi na si mama kanina pa sarado ang palengke ng gantong oras, pag kapasok ko agad kong hinanap si mama sa sala, kusina at sa likod bahay, pero wala baka naman nasa kwarto nya.

Umakyat ako patungong kwarto ni mama, may narinig akong kakaiba at alam kong ganun nanaman ang ginagawa nya.

Dahan dahan kong binuksan ang pintuan at i saw my mom, nakita ko si mamang umiiyak habang nakaupo sa dulo ng kama.

'Mama bakit lagi nalang?, hindi ka ba napapagod umiyak ng dahil sa akin at ng dahil kay papa?.' sabi ko sa aking isipan.

My mom always cry because of me and my dad, haha wala na akong ama simula pag kabata pinalaki akong mag isa ni mama, nag tatrabaho si mama sa palengke bilang tiga tinda ng kung ano ano, si mama ang nagtaguyod sa akin, nagpaaral sa akin, nagpapagod para sa akin. Nasaan nga ba ang tatay ko? at bakit si mama lang ang kasama ko sa halos 18 years ng buhay ko.

Anak ako sa labas iniwan kami ni papa ng malaman nyang buntis si mama nun, at nalaman ni mama na may unang asawa si papa at kasal pa so automatic na anak ako sa labas, kilala ko si papa sa picture at pangalan then rest wala na. At wala akong balak alamin yun, galit ako sa kanya at hindi ko na sya kailangan pa.

Nabuhay kami, nabuhay ako ni mama mag isa ng wala siya sobrang napuno yung puso ko ng galit dahil sya ang dahilan ng gabing gabi pag iyak ni mama siya ang bukang bibig nya nung mga panahong sobrang nahihirapan kami.

Akala ko ayun na ang pinaka mabigat na dadalhin ni mama pero nung malaman nya ang tungkol sa akin na kinawasak rin ng buhay ko mas naging dahilan yung ng mga pag iyak nya, sobrang mas nahihirapan ako sa paghihirap ni mama, kung pwede lang na magpalit kami ng katayuan gagawin ko.

Gusto ko ng huminto sa pag-aaral ng mga panahon na sobrang hirap namin napalayas kami sa inuupahan naming bahay nawalan ng trabaho si mama, lahat nilapitan namin para mangutang humingi ng tulong pero wala at mag isa namin yung nilagpasan ni mama.

"Ma, maghinto nalang po kaya ako ng pag-aaral?", nasa kalagitnaan naan kami ng pagkain ng sabihin ko yun.

Agad nagulat si mama sa sinabi ko, halata sa mga mata nya na galing sya sa pag iyak kanina.

"Hindi Yhonnanica, hinding hindi ka titigil sa pag-aaral kakayanin ni mama na makapag tapos ka, kahit gaano kamahal yan kakayanin ni mama basta magtapos ka", agad na sagot ni mama sabay yakap sa akin.

Gusto kong umiyak sa harapan ni mama ngayon, sobrang swerte ko na meron akong sya.

Kahit walang ama si mama lang sapat na.

"I love you Ma, opo magtatapos ako", agad kong sagot habang mas hinigpitan ang pag yakap kay mama.

Pagkatapos naming kumain, ako na ang nagprisintang maghugas ng mga plato.

"Ma, pahinga kana po ako ng bahala dito", siya namang pag halik sa akin ni mama sa pisnge.

"Sige anak, wag na magpapagod masyado ha masama yan sayo", bilin nya bago umakyat sa kwarto.

Nasa kalagitnaan na ako ng pag uurong ng tumunog ang cellphone ko.

Melissa calling....

Gabing gabi anong kailangan neto.

[besh, nakita mo na ba yung gc na ginawa ni Ellie mag open kana bilis!]

Halos ilayo ko ang telepono sa aking tenga sa lakas ng pagkakasigaw nya, nang bulahaw pa.

"Sige, mamaya may ginagawa pa ako pero hindi rin ako mag tatagal", sagot ko pabalik.

[okie, bilisan mo ha wabyuu muwah!], agad kong binaba ang cellphone at bumalik sa paghuhugas ng plato.

Ng matapos ako naglinis ako saglit at nagpalit ng damit at umupo sa dulo ng aking kama.

Agad akong nag online ng messenger at ganun nalang ang gulat ko sa ingay at dami ng message sa sinabing gc ni Meli na ginawa ni Ellie para sa aming lima.

Wala naman silang pinag uuspang matino puro lang kagagahan ang laman ng topic eh, tapos about shawty keme keme.

Saglit lang kami mga nag usap dahil malapit na maexpired load ko, sorry hindi de wifi.

Gusto ko ng matulog at magpahinga tumingin ako sa alarm clock at 9:04 pm palang.

Mangangako ako kay mama na magtatapos ako ng pag-aaral kahit anong mangyari pero yung gustong gusto kong kurso ang mahal at hindi ko alam kung kaya namin.

Yumuko ako at dumapa para may kunin sa ilalim ng kama, kinuha ko ang mala baul pero walang kayamanan keme keme lang pa sosyal.

Nag iipon ako ng unti unti para maka tulong kay mama gusto ko tong ibigay sa kanya para sa mga gastusin pero tinanggi ni mama at ang sabi nya pandagdag nalang daw sa tuition ko sa college.

Halos wala pa Ito sa kalahati sobrang laki pa ng kulang ko.

Law. i want to be lawyer someday.

Sobrang laki ng bayad sa law at tiyak na hindi namin kakayanin nasabi ko na to kay mama at ang sabi nya mag iipon daw sya ng mag iipon para makuha ko yan.

Bata palang ako pangarap ko na mag abugado, isa lang naman ang naging tatak sa isipan ko kung bakit gusto ko ng course na yan.

Justice, hustisyang kadalasang hindi nakukuha ng iba at mga mayayaman ang kinakampihan nila, hindi ko nilala lahat pero ang hustisya ngayon kadalasang hindi na nabibigay ng tama, kinahiligan ko na magbasa at manuod ng may kaugnayan sa batas.

Pinangako ko dati na kapag ako naging mahusay na abugado babaguhin ko ang mga bagay na tinama na ng isang pagkakamali, ang batas binuo para sa mga inosente at walang kamuang muang na tao hindi para sa mga mapera na kayang bilin ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon tama ang pagbibigay ng mga hatol at batas kadalasan basehan ang pagiging malakas.

Kahit bumuo ako ng maliit na grupo ng mga abugado para baguhin ang nasirang sistema sa progreso gagawin ko dahil ang mabuting tao hindi ipapahamak ang kapwa, maling batas minsan ang lumalason sa ibang tao mayayaman na kayang bilin at mag panggap para lumabas na inosente sa harap ng iba, ngayon nasusunod paba ang tamang batas sa buong mundo?

Daming kineme Yhonnanica, basta gagawin ko lahat para maging abugado at ang isa sa mga dinadasal ko na kayanin ko ito hanggang dulo.

Nag ayos na ako at nagsimulang magdasal saka ako natulog, pangako mama gagawin ko lahat para umabot sa dulo at mapasaya ka ganyan kita kamahal mama.

---
A/N: Tss, minsan lang ako magsulat isama na nating yung pangarap ko walang mangingielam bwahahxd, love lots:>>

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon