CHAPTER 11

134 27 35
                                    

"Yhoona ano susuutin mo?" umupo sa tabi ko si Meli.

Nakapasok na ulit kami sa room magpalit daw muna kami ng damit at lumabas ulit para sa activities.

Ano ba kasi susuutin ko? pwede nkaman sigurong naka t-shirt lang at short ayaw ko naman mag swimsuit hindi ako sanay sa mga damit na parang kinulang sa tela.

"Wear this girl." napatingin ako sa nilapag na damit ni Veron.

Manipis na off-shoulder na floral ang design.

"Dinala ko kasi yan kala ko masusuot ko pa, but nah I can't wear that." nasa kaliwa ko siya samantalang nasa kanan ko si Meli.

Nagbibihis na yung iba kaya kami nalang tatlo ang naiwan dito sa loob.

"Ayoko, masyadong manipis tapos kita pa balikat ko." at pilit binabalik sa kaniya ang damit.

"Yhonna yata naman mag oversized t-shirt ka at short ang init init tirik ang araw at nasa beach tayo." kamot ulong sambit ni Meli.

Napanguso nalang ako at kinuha yung damit, may point nga naman baka pagtawanan pa ako ng iba kapag ganun ang suot ko.

Nauna na raw lumabas si Lesley at Yazhine, tapos lumabas sa bathroom sila Ryona, Ellie at Chescka kaya time na para kami naman ang pumasok.

Black sando na spaghetti strap ang suot ni Ryona, bagay kasi sexy at may pagka maputi siya. Samantalang si Chescka ay naka croptop na gray at short. At si Ellie naman naka terno.

Nag tagal rin kami ng ilang minuto sa bathroom pag ka tapos ko magbihis tumingin ako sa salamin na malaki sa loob ng bathroom.

Maganda naman yung binigay na damit ni Veron parang hindi parang nagagamit i partner it with white maong short, sunusun ko na rin.

Kami nalang daw ang hinihintay nila Ryona kaya pag ka labas namin dumapo ang tingin nilang tatlo na nakaupo sa kama at nag aayos.

"Nice outfit Yhonna, ang ganda mo." komento ni Ellie kaya napahawak ako sa aking batok.

"Yup, i told you Yhonna bagay sayo yan." sambit pa ni Veron.

Si Veron ay naka sando na color green at naka beach short, at si Meli ay naka croptop na spaghetti strap gusto ko siyang sawayin dahil labas ang pusod niya at ang nipis ng damit tss.

---

"So you are all divided into five groups." hinati kami kanina sa limang grupo puro kami senior high na nakahiwalay sa high school.

Mag kaka hiwalay kaming lima, si Veron ang kakilala ko lang dito sa grupong to.

Kada daw activities ay may grade at price dagdag grades rin to. Buti nalang sumama ako.

Hinahati pa ang grupo ng nilagay sa grupo namin si Zaiker at nasa kabilang grupo naman ang mga kaibigan niya.

Group 3 kami.

Ang unang activity ay tug of war.

Dahil 10 students by group, lima ang mag lalaro sa tug or war.

Lalaking member muna namin ang mag lalaro at sa sunod na game kaming mga babae.

Unang mag kalaban ay ang Group 2 at 4.

Nandun sa group 2 si Keijo kasama yung ibang basketball team ata mukang mananalo agad sila.

Hindi pamilyar sa akin ang nasa group 4.

Nagsimula ang first round may isang lalaki sa group 2 na malaki ang katawan parang hindi katawan ng binata.

Unang hila palang ay nahirapan na agad ang group 4 at nabitawan ang lubid kaya nahulog sila sa putikan. Weak.

Hindi ko maisip na mahulog sa putikan na yun,sayang naman tong damit na suot ko tapos first activity palang 'to.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now