CHAPTER 3

312 139 137
                                    


"YHONNANICA! MELISSA!", halos muntikan na akong mabulunan ng tubig dahil sa pagtawag nila Ryona, Chescka, at Ellie.

"Good morning girls", masaya at masigla nanamang bati ni Meli sa kanila.

"Good morning din, ano tara na magsisimula na p.e natin baka magalit ang leader", pahayag ni Chescka.

"Sino ba ang leader ngayon?", tanong dahil ito ang first p.e namin.

"Sino pa ba nothing's new si Mr. Zaiker Morgan, siya ang tumatayong commander ng p.e madami rin syang alam tungkol duon e", sambit ni Ryona sabay kamot sa ulo nya.

He again, nakakahiya yung first encounter namin.

Sana hindi na nya ako naalala, sana!

"Tara na, baka mag sungit nanaman yun", agad akong hinila ni Ellie at sumunod na sila.

Pagdating namin sa field nandun na ang lahat ng students, agad kaming pumila at dahil magkaiba kami ng section nakahiwalay sa amin sina Ryona, Ellie at Chescka, medyo nakakakaba tuloy.

"Good morning Class", simple at malamig na bati ni Zaiker sa aming lahat.

"Good morning Commander", sagot namin pabalik.

Ang pag kakasabi nila Ryona na commander ang tawag sa kanya kapag p.e time at president naman kapag sa council at leader kapag sa clubs na.

"Run, 20 times", he commanded us at agad ko iyong kinagulat Run 20 times?! f*ck!.

"Commander!", nagulat ako ng biglang tawagin ni Meli si Zaiker.

"What?, something wrong", halos lahat ay nakatingin kay Meli at sa akin, ok nakakahiya.

"Pwede po bang dito nalang si Yhonna, hindi po sya pwedeng tumakbo ng ganoon karami", Meli naman eh, kaya ko naman yun I'm not that weak.

Agad ko syang hinila para patahimikin.

"No, lahat kayo gagalaw", pag tapos nya nun sabihin nagsimula ng tumakbo ang lahat maliban sa amin ni Meli.

"Any problem girls?", nagulat ako ng biglang sumulpot sila Ryona.

"Nothing, tara baka mapagalitan pa tayo ni Commander", sagot ko pero agad akong hinila ni Meli.

"Kaya mo ba talaga Yhonna?", pag aalalang tanong nya.

"Oo naman, tara na sabay sabay na tayo", nakangiting sagot ko.

"Ok ok, tara", nagsimula na kaming tumakbo para sumabay sa iba.

Nakakalimang ikot na kami at hindi ko na kaya, pawis na pawis at gusto ko ng uminow ng tubig pero baka mapagalitan kami ni Commander, mahirap na first p.e namin ito.

"Yhonna, kaya pa", pagod na tanong ni Meli at nasa likod nya sila Ellie.

"Oo, 15 times pa", pag papaalala ko.

Ng sa ika walong ikot na kami, nag umpisa ng dumilim ang paligid ko. I can't see anything but just a blurred things.

"Yhonna, Yhonnanica!", nag eecho sa buong paligid ang pagtawag nila sa akin.

I hate this feeling again.

~~~

Melissa POV

Kanina ko pa kasi sinasabi na hindi na kakayanin yun e, ang tigas tigas ng ulo laging ayaw makikinig.

Eto kami naghihintay sa labas ng clinic habang si Yhonna nadun natutulog.

- flashback-

"Yhonna! Yhonnanica!", agad akong tumakbo papalit kay Yhonna ng bigla nalang syang natumba sa gitna ng field.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now