CHAPTER 18

108 11 11
                                    

"Sabi kasing wag mo nang papasukin at panatilihin mo nalang sa bahay Yerie."

Mabigat ang ulo ko at hindi ko pa tuluyang madilat ang mga mata ko pero naririnig ko ang pag uusap nila sa gilid ko.

"Wala akong magagawa ayaw ko namang lumaki si Yhonnanica ng hindi nakapag tapos at hindi manlang nararanasan ang buhay dalaga." Boses iyon ni Mama.

Nangyari na naman ba?

"Delikado ang lagay niya hindi normal ang sakit ng anak mo iilan lang ang nakakaligtas dito." Tuluyan ko ng nabuksan ang mga mata ko ilaw mula sa puting kisame ang bumungad sakin at ang mga aparatong nakalagay sa braso ko.

"M-Mama..." Pilit kong dinidilat ang mga mata ko at kasabay ng pag bigat ng ulo ko.

"Wag..ka munang gumalaw anak, mag pahinga ka muna." Naka suot ako ng hospital gown at nasa maliit akong kwarto.

"She need to take chemotherapy Yerie." Lumapit sa akin si Doktora Jane ang laging sumasagip sakin sa gantong sitwasyon.

"A-Ayaw ko...ayaw ko po nun." Nagsisimula na namang umandar ang isip ko kung anong mangyayari sakin.

"It's stage 3 Yhonna, you have leukemia halos 3 years kanang nakikipag laban d'yan." Hinamas ni Mama ang buhok ko at pilit akong pinapakalma.

I'm dying?

"And you need to go to a operation for bone marrow transplant...hindi simple yun Yhonna." Alam ko, alam kong hindi simple yun dahil buhay ko ang nakataya.

"There's 64% you can survive and the rest we don't know, ayaw kitang takutin pero ayun ang mga mangyayari."

I have leukemia for almost three years.

-flashback-

"Ma! gabi na ba?" Kakauwi ko lang galing school at saktong pag pasok ko sa bahay biglang dumilim ang paligid ko at nahilo ako.

"Anong nangyayari Yhonna? Anak?!"

"She have leukemia Ma'am." My heart almost stopped when doctor say it.

Leukemia is not a simple cancer. I'm dying..

"Ma...mawawala na ba ako?" Ilang araw na ako sa hospital at kung ano ano ang pinapainom at sinasaksak sa akin.

"Shh hindi...A-Anak hindi ka mawawala kaya mo yan." Lagi kong nakikita si Mama na umiiyak simula nung nalaman niya.

Pumapayat ako kahit lagi naman akong kumakain, ilang beses na ako sinusugod sa hospital ang laki na ng utang namin kasabay ng pagpapalayas sa amin ni Mama sa inuupahan naming bahay. Kailangan ko rin muna mag absent at hindi pa ako nakakagawa ng mga projects.

"Pagod...Pagod na ako Mama."

-End of flashback-

"Ma uwi na tayo...ayaw ko dito." Ayaw ko na bumalik sa hospital dahil kada aapak ako dito palala lang ang mga nararamdaman ko.

"Anak...h-hindi kapa gumagaling." May tinurok lang sakin si Doc para kumalma ako kumain narin ako at nakahiga parin sa kama na to habang may suot suot parin ang hospital gown.

"H-Hindi na ako gagaling Ma." Mahina kong sambit kasabay kong narinig ko ang malalim na paghinga ni Mama.

May pasok dapat ako ilang subject ang hindi ko napasok hindi ko nasabi kay Meli kaya tiyak na hinintay ako nun kanina. Baka nag aalala narin sakin sila Ryona dahil halos kalahating araw na akong walang paramdam.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now