CHAPTER 10

145 34 33
                                    

Simoy ng preskong hangin at magandang tanawin ang bumungad sa amin, malawak at magandang puti buhangin ang naapakan namin.

Siargao isa sa mga pinaka dinarayong beach Island sa buong pilipinas.

Tama nga sila napaka ganda parang isang paraiso ang pag ihip ng hangin na sumasabay sa pag sayaw ng mga puno at huni ng mga ibon.

This kind of life what im dreaming for.

Sana laging ganto ang bubungad sa 'kin sa umaga.

"Wow..sobrang ganda." napalingon ako kay Chescka na halos napanganga na.

"Sobrang presko ng hangin." dagdag pa ni Ellie.

Halos lahat ay nakatingin sa dalampasigan, may mga batang naghahabulan at mga pamilya na nag sasaya.

Kung kasama kaya namin si Papa ganun kaya kami kasaya?

"Ok listen guys!" sigaw sa aming lahat ng coach namin sa p.e.

"Bago tayo lumabas at maumpisahan ang iba't ibang activity na gagawin nyo pupunta muna tayo sa assigned room for all of you." mahabang sambit ni Coach. "Then we will eat all together boodle fight!" announce ni Coach at nag palakpakan kaming lahat.

Sabi ni Coach at iba pang teacher 8 person ang kasya sa bawat room at pwedeng kami ang pumili kaya natural na magkakasama kaming lima.

Room 35.

Room number na binigay samin, malawak ang bawat pasilyo kaya medjo mahirap rin hanapin ang room kahit na parang malapit lang ito.

"Eto eto room 35 daw." pumunta agad kami kay Chescka na tinuturo ang room number.

Pumasok na kami isasara na namin dapat ang pintuan ng biglang may humarang na tatlong babae.

"Dito kami mag ro-room wala nang bakante e." napangiti naman si Ryona ng makilala kung sino ito.

Si Veronica at may kasama siyang dalawa pa baka kaibigan rin niya.

"If it's ok to others?" tanong nung short hair na bilugan ang mga mata.

"Yeah it's fine with us." sagot ni Ellie.

Tumango nalang kami at pinapasok silang tatlo.

Sabi ni Coach ayusin na raw namin ang mga gamit para wala nang aasikasuhin pa.

"Chescka can you come with me?" narinig kong tanong ni Ryona at Chescka.

"Saan may nakalimutan kaba sa ibaba?" tanong pabalik ni Chescka.

"May itatanong lang ako kay Coach at may kukunin kay Kuya." hinila niya agad si Chescka palabas.

"Three bed in one rooms, pwede namang share tayong walo diba?" tanong nung isa pang kasama ni Veronica, mahaba ang itim nitong buhok at mukang mataray.

"Melissa at Yhonna, Si Lesley at Yazhine." pag papakilala ni Veron duon sa dalawa.

Si Lesley yung mukang mataray na may mahabang buhok. At si Yazhine yung short hair.

Tahimik lang kaming nag aayos ng mga gamit at wala parin sila Ryona at Chescka.

Ang tahimik. Kumanta kaya ako? wala namang masama dahil kami kami lang.

"High dive into frozen waves where the past comes back to life." panimula ko at nakita ko ang pagtingin nilang lima sa akin.

Huminga ako ng malalim at.

"Fight fear for the selfish pain, it was worth it every time
Hold still right before we crash 'cause we both know how this ends
A clock ticks 'til it breaks your glass and I drown in you again."🎶

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now