CHAPTER 12

123 24 27
                                    

Kinabukasan 8:00 am sabay sabay na nagising madami ring nangyari halos late na kami nakabalik sa room. Nandito kami ngayon sa kubo nag uumagahan sila Meli busy sa pag kuha ng mga pictures.

Hanggang 3:30 pm nalang daw kami at uuwi na.

Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi dahil naalala ko at napanaginipan yung boses niya. Weird.

I wasted no time in looking for him but in my dream I saw him with a blurred face.

"Yhoona tingin ka sa camera." bumalik ako sa katinuan ng tawagin ako ni Meli.

I looked at the camera and smile.

"Maya maya punta tayo sa souvenir store." pang aaya ni Chescka.

Bilhan ko kaya si Mama kahit na t-shirt manlang para may pagsalubong ako may pera rin naman akong baon.

Pinagpatuloy nalang namin ang pag kain at kwentuhan.

---

Nandito kami ngayon sa parang mini Garden ng beach, pinatawag kami nila Ma'am para sa next activities.

Nakatayo kaming lahat pero parang nauna na mang galing ang high school kaya kami ang sinunod.

Nakapalibot kami sa isang balon?

"Ano gagawin natin maliligo?" mahinang tanong ni Meli kaya napahinga ako ng malalim.

Kahit kailan walang matinong sagot na lumalabas sa bibig niya.

May isang student na lumapit at binigyan kami ng tig iisang barya.

"For the next activity make a wish, ask for anything and then drop the coin in the wishing well." pagsasalita at paliwanag ni Coach.

Hmm wish?

Sunod sunod nang naglapitan ang mga students at hinulog ang barya pumunta narin sila Chescka at nag hulog narin ng barya.

'Long life.'

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero ayun ang hiniling ko.

Lumapit ako sa balon at hinulog ang barya. I hope that wish will come true.

Lumabas na kami ng mini garden at ang next activities at naghihintay na.

Kung kahapon ay puro laro ang ginawa namin iba naman daw ngayon. Ang mga activities daw ngayon is about our selves.

"Anong wish nyo kanina?" tanong ni Meli naglalakad na kami papunta sa next activities.

"Shh Meli bawal sabihin ang wish." sagot sa kaniya ni Chescka.

Chismosa yan e'.

Nahinto ako sa pag lalakad ng tumama ang ulo ko sa likod ng kung sino. Ang tigas parang laging nag e-excercise.

"Ay sorry Yhonna huminto kasi sila kaya huminto ako hindi ko alam na nasa likuran na pala kita." hawak batok na sambit ni Keijo.

Hindi ko rin alam na nasa harapan ko siya.

Napatingin kami kung bakit huminto. Humawak pa sa braso ko si Ryona habang may tinatanong sa Kuya niya.

"Next activity what if you fall? Is anyone willing to catch you if you fall unexpectedly?" saad ni Ms. Enrique.

May isang hindi naman kataasang three house. May tinawag ni Coach para mag demonstrate hahakbang ka sa dulong bahagi ng three house kung saan may kahoy na kaya ang isang tao at may mga students na nagtutulong ibuka ang mga braso nila para saluhin ang student na nasa itaas.

Hindi naman mukang nakakatakot dahil mababa lang, ang nakakatakot baka hindi ka nila masalo ng maayos.

Isa isa ng umakyat ang mga students at ginaya nila ang ginawa ng nauna. Hanggang sa ako na.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now