CHAPTER 34

99 5 3
                                    

"Masakit pa ba?"

"Medyo."

Katatapos lang ng chemo ko for this week, at sobrang sakit parin niya talaga. Mas pumayat ako, may namutla, may nagbago ang istura ko.

"Kumain ka muna." Inalalayan ako ni Keijo umupo.

"May pasok kapa sige na." Simula nung nag umpisa ang chemo ko nandito at natapos nandito parin siya.

"Wala naman akong masyadong gagawin aa University kaya babantayan nalang kita." Inayos niya ang pag kakaupo ko sa wheelchair at nilapit ako sa lamesa kung saan nakapatong ang pagkain ko.

"Pupunta mamaya sila Ryona." Sinimulan na niya akong subuan.

Nakakahiya na. Na parang sa akin nalang umiikot ang oras ni Keijo minsan makikita ko nalang siya nakahiga sa sofa na katabi ng higaan ko. Lagi niya akong binabantayan lalo na kapag wala si Mama para samahan ako.

"Hindi kaba napapagod? hindi mo naman ako kailangang bantayan palagi." Pinunasan niya pa ang pisnge ko.

"Hindi. Hinding hindi ako mapapagod bantayan ka. Bakit naman ako mapapagod kung ikaw ang nagsisilbing pahinga ko." Mabilis niyang sagot na nagpatigil sa akin.

"K-Kumain kana rin." Puro ako ang pinapakain niya samantala siyang ni sumubo hindi.

"Mamaya na 'ko, uunahin muna kita." Ngumiti siya sa 'kin at tinuloy ang ginagawa niya.

"Yhonna." Napalingon naman ako.

"Hmm." Narinig ko ang mahina niyang pagtawa.

"Wala lang. Ang ganda mo." Naramdaman ko ang pag init ng pisnge ko dahil sa sinabi niya.

"Oh bakit ka namumula, may masakit ba? mainit ba 'yung pinapakain ko. O baka naman na i-inlove kana sakin 'no?" Agad ko naman siyang hinampas pero tinawanan lang ako ng lalaki.

"Umayos kanga ang gulo mo." Iritang sagot ko.

'Bakit naman ako ma i-inlove? ako ma i-inlove? malabo.' Hoy tigilan mo Yhonnanica Allure. Hindi pwede.

"Lalim naman ng iniisip mo siguro kapag sinisid ko 'yan makikita ko ang gwapo kong pagmumuka." Napasinghap naman ako at tinignan siya ng masama.

Sabay kaming napalingon dahil pumasok ang doctor ko.

"Hello Yhonna, how are you?" Tumayo si Keijo para itulak ang wheelchair ko.

"Ayos naman po, medyo masakit pa." Pumunta ang nurse para icheck ang mga aparatong nakalagay sa akin.

"I have good news." Saad pa ni Doc na nakaagaw ng pansin ko.

"Ano po 'yun?" Gagaling na ba 'ko?

"May donor kana ija, and soon as possible gaganapin na ang operasyon mo. Konti nalang ija pero i told you hindi natin alam kung kakayanin mo ang operasyon o makaka survive ka. But please be strong." May konting kirot at saya akong nararamdaman ngayon.

Oo may donor na 'ko, malapit na ang operasyon ko. Pero paano kapag hindi ko kinaya, paano kapag hindi ako nakaligtas?

Pagtapos sabihin ni Doc 'yun agad niya kaming iniwan ni Keijo.

"You heard that Yhonna, malapit na gagaling ka." Hinimas niya ang ulo ko.

"H-Hindi naman tayo sigurado." Mahinang saad ko.

Lumakad naman siya papunta sa akin at lumuhod para pantayan ako.

"Laban lang, kakayanin mo 'yan."

"Paano kapag h-hindi?"

"May pangako ka sakin diba?" Kumunot ang noo ko, anong pangako. Wala akong maalala.

"Madami kapang babayarang utang sa 'kin Yhonna. Kaya please lumaban ka, kahit yung pag galing mo nalang ang kabayaran." Hinawakan niya ang kamay ko.

Until Our Voice Meet Again Stranger | ✓Where stories live. Discover now